Friday, August 7, 2020

Mga Matatangkad na Tao, Mas Malaki Umano ang Tyansa na Mahawa ng COVID-19



Sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa maraming bansa, iba’t-ibang mga pag-aaral mula sa iba’t-ibang mga grupo ang isinagawa na mayroong kaugnayan dito.

Isa sa mga pag-aaral na ito ay tungkol sa kinalaman o maaaring kaugnayan umano ng tangkad ng isang tao sa tyansa ng pagkakaroon nito ng COVID-19.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng University of Manchester, lumalabas na ang mga taong mayroong tangkad na higit anim na talampakan (6 feet) ay mayroon umanong mas malaking tyansa na mahawa ng COVID-19.

Ito umano ang lumabas mula sa 2000 indibidwal na kanilang pinasagot sa kanilang survey mula sa United Kingdom at United States.


“Taking both samples together, being tall more than doubled the probability of having a COVID-19 medical diagnosis or positive test for people over 6 feet…

“[T]he data in both countries, argue the researchers, could suggest that aerosol transmission is very likely, with taller individuals at higher risk – something that would not be expected if transmission was exclusively through droplets,” saad pa mula sa naturang pag-aaral.

Para sa mga ito, doble umano ang tyansa na mahawa ng COVID-19 ang mga taong lagpas 6 ft. ang tangkad kaysa sa mga taong hindi umano katangkaran.

Hindi naman umano ikinagulat ng infectious disease specialist na si Dr. Rontgene Solante ang naging resulta ng naturang pag-aaral. Ito marahil ay mayroon umanong koneksyon sa isa pang hinala ng mga siyentipiko tungkol sa COVD-19.


Ayon kay Dr. Solante, kung maituturing umano na airborne, o tumatagal sa ere, ang COVID19, talaga umanong mas malaki ang tyansa na mahawa ang mga taong mas matatangkad kaysa sa pangkaraniwan. Ani pa nito,


“We have already established that COVID-19, the possibility of transmission is also airborne aside from droplet. Nandun sya sa ere na medyo matagal... I would seem to agree baka may correlation din yung height because if you are taller than 6 feet and above the air will be exposed to that longer.”

Dagdag pa ni Dr. Solante, hindi pa man umano lumalabas ang resulta ng naturang pag-aaral ay naging biro niya na umano ito sa kanyang mga kasamahan na hindi gaanong matatangkad.

“It was intentionally a joke. And every day I made rounds 'oh these are the fortunate doctors, less risk because of the height',” ani pa nito.

Gayunpaman, hindi pa rin umano dapat makampante ang mga taong hindi ganoong katangkaran. Tandaan pa rin umano ng mga ito na wala sa tangkad kung mahahawa ba ang isang tao ng COVID-19 lalo na’t sa pamamagitan ng droplets pa rin ito mas karaniwang kumakalat.


“Hindi porke ang height natin less than five feet or 6 feet, less tayo ma-expose dahil airborne. Ang pinakaimportante pa rin na mode of transmission is the droplet. Pag umuubo within 6 ft. Tapos yung surfaces na contaminated by the droplet, hinahawakan without washing the hands,” paalala pa ni Dr. Solante.

Sa kabilang banda, mayroon din namang mga eksperto na hindi naniniwala sa naturang pag-aaral. Halimbawa nito ay ang isa ring infectious disease expert na si Dr. Benjamin Co.

Ayon kay Dr. Co, bagama’t interesante umano ang naturang pag-aaral, kailangan niya pa umano ng mas malawak at matibay na ebidensya bago tuluyang maniwala rito.


Source: ABS CBN

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment