Thursday, August 27, 2020

Misis, Sumuong sa Baha Para Lamang Mailigtas ang Koleksyong Laruan ng Mister!



Sa China, walang takot na sinuong ng isang babaeng ito ang baha sa kanilang lugar upang masagip lamang ang umano’y pinakamamahal na koleksyon ng kanyang asawa. Ito ay ang Gundam Collection ng kanyang mister.

Nitong nakaraang mga buwan, nakaranas ang China ng mga matinding pagbaha na siyang nagpalubog sa ilang mga lugar doon. Ayon sa mga ulat, ang mga ulang ito sa bansa ang siya umanong pinakamalala kumpara sa mga nagdaang taon.

“This year has seen the worst floods in decades, destroying homes and livelihoods of millions of people,” ani pa ng isang ulat sa CNN tungkol sa mga naging pagbaha sa China.

Isa sa mga lugar na ito na matinding binaha ay ang Yudong, Chongqing. Dahil sa baha na nangyari sa naturang lugar, kailangan na mailikas ang mga tao upang maging ligtas ang mga ito.



Ngunit, sa kabila ng peligrong dulot ng naturang baha, isang matapang na misis ang naging laman ng balita matapos nitong sinuong ang baha para lamang mailigtas ang koleksyong laruan ng mister.

Ayon sa mga ulat, hindi umano marunong lumangoy ang asawa ng babaeng ito kaya naman, para mailigtas ang mahal nitong koleksyon ay ang misis nito ang siyang bumalik sa kanilang bahay.

Noong una, sumuko na umano ang lalaki na maililigtas pa ang kanyang koleksyon ngunit, ang misis umano nito ang nagpumilit na maililigtas pa ang mga ito kung siya ang gagawa.


Upang maligtas ang naturang Gundam Collection, kinailangan pa umano ng misis na ito na sirain ang bintana sa second floor ng kanilang bahay. Sa kabilang banda, dahil hindi marunong lumangoy ay ang asawa naman ng babae ang siyang naging bantay ng kanilang aso habang hinibintay ito na bumalik.

Nagawa naman ng babae na isakay lahat sa isang bangka ang mga kahon na naglalaman ng mga mamahaling laruan ng kanyang asawa.



Bagama’t matagumpay na nakuha at nailigtas nito ang naturang koleksyon ng asawa, ayon sa mga ulat ay nagkaroon umano ng iilang mga sugat ang babae matapos na basagin ang kanilang bintana.

Isa pala umanong ‘long-distance’ swimmer ang babaeng ito kaya ganun na lamang ito ka kampante at katapang na sumuong sa malakas na agos ng baha. Bagama’t koleksyon ito ng kanyang mister, nakahiligan na rin umano kasi ng babaeng ito ang naturang mga laruan kaya naman ganun na lamang nito ipinagsapalaran ang sarili, mailigtas lamang ang mga laruan.

Dahil dito, hindi lamang ang mister nito ang nakaramdam ng kasiyahan sa pagkakaligtas ng naturang mga laruan kundi maging siya rin ay lubusang natuwa.

Ang kwento na ito ng naturang babae ay talaga namang naging viral at lubusang pinag-usapan sa social media. Nagkalat ang mga ulat tungkol sa babaeng ito na talaga namang kakaiba at hindi pangkaraniwan.


Bagama’t hindi pangkaraniwan, marami ang natuwa sa tapang umano na ipinamalas ng naturang misis na sumuong sa baha.


Ngunit, mayroon ding ilan na hindi nagustuhan ang peligrong sinuong ng babae para lamang sa mga laruan nito. Masyado umanong delikado ang sitwasyon para lamang ilagay sa panganib ang kanyang sarili sa pagliligtas ng mga materyal na bagay.

Source: 9gag
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment