Thursday, August 13, 2020

Multa sa mga Magbebenta ng Face Shield na Lagpas sa SRP, Aabot ng Php 2 Milyon


Sa darating na Sabado, ika-15 ng Agosto, ‘mandatory’ na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan at maging para sa mga manggagawa. Ito ay ayon mismo kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Dahil dito kaya lumakas ang demand sa suplay ng mga face shield sa bansa. Kaugnay naman nito, lumabas ang mga reklamo tungkol sa umano’y iba’t-ibang presyo ng face shield sa pamilihan. Umalma rin ang iba dahil sa mahal umano ng mga face shield na nabibili rito.

Kaya naman, kamakailan lang ay nagtalaga ang Department of Trade and Industry o DTI ng SRP (Suggested Retail Price) para sa regular o non-medical grade face shields. Ayon sa DTI, ang presyo umano nito ay dapat na nasa Php 26 hanggang Php 50 lamang.

Ngunit, ayon sa mga ulat ay mayroon pa rin umanong mga nagtitinda ng face shield na hindi sumusunod sa presyong itinalaga ng DTI.


Kaya naman, nagbigay ng babala ang DTI sa mga lalabag o magbebenta ng face shield na lalagpas umano sa kanilang SRP.

Kamakailan lang, sa isang panayam kay Undersecretary Ruth Castelo, sinabi nito ang mga nakaabang umanong mga parusa sa mga magbebenta ng over-priced na face shield.

Ayon kay Castelo, bukod sa pagkakakulong na maaaring umabot ng 15 taon, pagmumultahin din umano ng Php 5000 hanggang Php 2 milyon ang mga lalabag dito.

Dagdag pa ni Castelo, bago ang babala ay una na umano nilang naihayag sa publiko ang tungkol sa dapat na pagsunod sa itinalaga nilang SRP ng mga pangkaraniwan o non-medical grade face shield.


“Ang penalty doon — this is covered kasi by the Price Act dahil declared ng DOH (Department of Health) na basic commodity siya or essential good — P2 million ang maximum, P5,000 minimum…

“There is also imprisonment of five to 15 years for profiteering,” ani pa ni Castelo.

Ngunit, ayon sa DTI, ang mga heavy duty face shield umano na gawa sa mga materyal tulad ng rubber strap at acrylic cover ay pwede umanong lumpagpas sa itinalaga nilang SRP ng mga regular na face shield ang bentahan. Maging ang mga ‘locally made’ na mga face shield ay pwede rin umanong magtaas ng presyo.

Ganito naman inilalarawan ng mga awtoridad ang mga pangkaraniwan o non-medical grade face shield na siya ngayong malawak na ibinebenta:

clear plastic or acetate material providing good visibility and fog resistance
with adjustable band to attach firmly around the head and fit snuggly against the forehead
covering  the full face
made of robust material that can be easily cleaned and disinfected, disposable or reusable.


Maliban sa mahigpit na utos sa publiko na pagsusuot ng face mask, ang pagsusuot ng face shield ay lubos ding hinihikayat na gawin ng lahat upang mas masiguro na hindi na umano kumalat pa ang COVID-19.

Maliban sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan, ang pagdedeklarang ‘mandatory’ na ang pagsusuot ng face shield sa mga manggagawa ay upang masiguro umano na hindi magkahawaan ang mga ito habang nasa trabaho.

Source: GMANetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment