Wednesday, August 5, 2020

Nagpakilalang Anak ni John Regala na si John Santos, Ipapa-DNA Test ni Raffy Tulfo!



Kung matatandaan, minsan nang napaulat ang tungkol sa paglantad ng isang 24 taong gulang na lalaki mula Batangas na nagpakilalang anak umano ng aktor na si John Regala.

Ayon kay John Santos, nagkakilala umano si Regala at ang kanyang ina na si Vilma Santos sa Japan. Nagtatrabaho umano doon bilang entertainer ang kanyang ina at doon din umano ito nabuntis ng aktor.

Minsan niya na umanong sinubukan noon na makilala ang ama ngunit, hindi umano ito nangyari. Ayon kay Santos, mula pagkabata nang umuwi ito ng Pilipinas mula Japan ay sa lola na siya nito tumira.

Pangarap umano ni Santos na makilala ang amang si Regala na kailanman ay hindi pa umano nito nakikita o nakakausap.


Nang makarating naman kay Regala ang tungkol sa kwentong ito ni Santos, ayon sa aktor ay hindi niya umano tatanggihan si Santos kung talagang sinasabi nito na siya ang kanyang ama.

Sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo, tuluyan nang nagkita sa unang pagkakataon sina Regala at Santos. Ayon sa mga netizen na nakapanood ng naturang tagpo, hindi umano maitatanggi ang pagkakahawig ng dalawa. Maging ang boses din umano ni Santos ay mayroon din umanong pagkakapareho kay Regala.

Nang tanungin naman ni Tulfo si Regala kung mayroon nga ba itong nakarelasyong Vilma Santos sa Japan, ang natatandaan lamang umano nito ay ang kanyang asawa na si Victoria Alonzo. Itinanggi ng aktor na mayroon itong nakarelasyon na kapangalan ng ina ni Santos.

Sa sinabing ito ng aktor, maraming netizen ang nakaramdam ng lungkot lalo na’t kita umano sa mata ni Santos na nasaktan ito sa sinabi ng aktor. Gayunpaman, pinuri pa rin ito ng mga netizen dahil sa pagiging magalang at kalmado ni Santos na tanggapin ang pahayag ni Regala.




Kaya naman, ang solusyon umano para dito ay ang magsagawa ng DNA Testing. Sang-ayon naman sa suhestyong ito si Santos at aniya ay willing umano ito na sumailalim sa DNA Testing.

Hindi rin naman tumanggi si Regala na sumailalim sa DNA Testing dahil nais din nitong malaman kung anak nga ba nito si Santos.

Magandang mensahe naman ulit ang inihayag ni Tulfo dahil ayon sa host, sagot niya na umano lahat ng gagastusin para sa DNA Testing ng dalawa.

Kaya naman, abang na abang na ang publiko sa magiging resulta ng gagawing DNA Test. Karamihan sa mga ito ay nagdarasal na sana umano ay positibo ang resulta nito.

Ayon sa mga netizen, makikita umano kay Santos ang kagustuhan nito na makilala ang tunay na ama. Hindi rin naman umano kakikitaan ng masamang intensyon si Santos dahil, ani pa ng iba, kung mayroon itong hindi magandang intensyon edi sana ay lumitaw umano ito noong mga panahong sikat pa ang aktor.


Bago ito, minsan na rin umanong humingi ng tulong sa iba si Santos para makilala ang umano’y kanyang ama na si Regala ngunit nabigo ito. Malinaw na nais lamang din ni Santos na malinawan at kilalanin ng kanyang ama.


Bagama’t noon pa man ay isinaad na ng kanyang ina na si Regala nga ang kanyang ama, ayon kay Santos ay ayaw na umanong magsalita ngayon ng kanyang ina tungkol dito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment