Monday, August 24, 2020

Nikko Natividad, Pinatulan ang Isang Basher na Kinwestyon ang Pagkakaroon Nito ng Malaking Pera



Kamakailan lang, napabalita na naging biktima ang artistang si Nikko Natividad ng isang scammer kung saan, nasa Php 4 milyon ang nawala sa Hashtag member.

Isang babaeng nahuli sa entrapment operation ang umano’y scammer na nambiktima kay Nikko. Inamin mismo ni Nikko ang nangyari na ayon sa kanya ay bunga umano ng pagtitiwala nito sa maling tao.

Ngunit, sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito kay Nikko, hindi pa rin ito nakaiwas sa mga basher na kinikwestyon naman ang pagkakaroon umano nito ng ganoon kalaking halaga ng pera.

Kaya naman, hindi na napigilan pa ni Nikko na patulan ang isang basher nito na tinatanong ito kung saan umano galing ang kanyang Php 4 milyon gayong hindi naman umano ito basta-bastang kinikita sa pagsasayaw lamang nito sa programang It’s Showtime.


“Sainyo po galing customer nyo ako dati diba? Malakas kayo magbigay ng bonus,” sarkastikong sagot pa ni Nikko sa basher na ito.

Dahil dito, hindi na napigilan pa ni Nikko na maglabas ng kanyang mga hinaing tungkol sa mga taong walang magawa kundi mambatikos at manghusga ng kapwa.

“Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo “SAN GALING?”


“Baka kwento ko sayo buhay ko MAPAGOD KA,” matapang pang ani ni Nikko.

Dito, ipinaliwanag ni Nikko ang lahat umano ng kanyang mga naging trabaho at pagsisikap para lamang kumita ng ganoon kalaking pera. Hindi umano biro ang pinagdaanan ng Hashtag member, host, komedyante, at aktor para lamang kitain ang halagang iyon.


“Lahat ng pera ko pinaghirapan ko. 5yrs kong pinaghirapan sa showbiz at pag nenegosyo. Kaya hindi imposible yun. Kung di ka makapaniwala isip ka nalang ng blind item tutal dun ka kumikita sa paninirang puri,” saad pa ni Nikko.

Ang hindi alam o napapansin ng mga tao, maliban sa Showtime ay marami pang ibang mga programa si Nikko tulad na lamang ng Umagang Kay Ganda. Hindi alam ng mga ito ang pagsisipag ni Nikko na mapasali sa mga pelikula o teleserye kahit na wala umanong linya para lamang makaipon ng pera.

Pagbabahagi pa nito,

“Sa mga nagtataka pa, para isahan nalang. Gumigising ako madaling araw para mag @ukg tapos deretcho @itsShowtimeNa tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako. Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita.


“Sinusuyod ko mga fiesta mall show bday sa buong pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako grahams sa abs at sa labas . Bedsheet ,sandals at youtube. Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainyo.”

Ayon kay Nikko, hindi niya lamang umano maintindihan kung bakit nagagawa pang manghila ng mga taong ito sa kanya kahit naging biktima na nga ito ng isang panloloko na hindi niya naman ginusto.


Kilala si Nikko bilang isa sa mga artistang hindi natatakot na sumagot at pumatol sa mga basher sa social media. Bagama’t madalas ay idinadaan sa biro, malaman ang mga pahayag na binibitawan ni Nikko at wala itong pag-aalinlangan sa tuwing naglalabas ito ng kanyang mga opinyon.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment