Viral ngayon sa social media ang isang video footage kung saan, makikita ang ginawang pagsagip ng isang lalaki sa isang batang nalulunod sa ilog.
Ayon sa netizen na kumuha sa naturang video, dahil umano sa lakas ng ulan sa lugar kaya umano tumaas at lumakas ang agos ng naturang ilog.
Ang nasabing insidente ay nangyari sa Bulatukan River ng Makilala, North Cotabato.
Sa naturang video, makikita kung gaano kalakas ang agos ng Bulatukan River na nasa gilid lamang ng kalsada. Dahil dito, hinabol ng kumuha ng video ang isang bata na inaanod ng ilog upang subukan itong sagipin.
Buti na lamang, mayroon ding ibang mga tao sa lugar na tumulong na mahanap at masagip ang bata. Sandali pang hindi nakita ng mga ito ang bata dahil sa lakas ng agos ng ilog.
Buti na lamang, nang muling makita ang bata ay mabilis na kumilos ang isang lalaki at agad tinalon ang ilog. Dito na nasagip ang bata mula sa pagkakalunod sa ilog.
Agad naman na naging trending sa social media ang video na ito na umani na nga ng mahigit sa 100 000 views. Marami ang nagpahayag ng takot para sa nangyari sa bata ngunit, buti na lamang umano ay mabilis itong nasagip ng mga tao roon.
Agad din na naiulat ang pangyayari sa iba’t-ibang mga pahayagan kaya naman, umani ng maraming mga papuri mula sa publiko ang mga taong ito na sumagip sa bata mula sa pagkakalunod.
Sa lakas ng agos ng naturang ilog na bunga rin umano ng malakas na ulan doon sa North Cotabato, swerte umano na mayroong nakakita sa batang nalulunod sa ilog. Sa naturang video, makikita na halos hindi makita ang bata dahil sa lalim at lakas ng agos ng Bulatukan River.
Maraming mga netizen ang umano’y kinabahan para sa naturang bata. Ayon pa nga sa mga ito, sana raw ay nasa maayos na kondisyon na ang bata matapos ang ginawang pagsagip dito sa ilog.
Nagpapabot din ng pagsaludo ang marami para sa naturang lalaki na matapang na sumagip sa naturang bata. Kung hindi umano dahil sa liksi at tapang nito na tumalon sa naturang ilog, hindi sana masasagip ang naturang bata.
Heto pa ang ilan sa mga komento na iniwan ng mga netizen sa naturang viral video:
“The most important in this kind of emergencies is how you #react with the situation… Kudos, Rescue Hero! ‘So that others may live.’ #muchrespect #HeroesPH”
“Salute ako sa inyo mga sir na sumagip sa bata. Thanks LORD GOD ligtas ang bata.”
“Nasaan ang mga magulang ng bata. Thank You Lord nasagip ang bata. Please, parents be mindful tayo sa where abouts ng ating mga anak lalo na’t bata pa ang mga ito.”
“Thank you, Lord, safe ang bata. Saludo ako sa sumagip sa bata, lalo na sa lalaking tumalon sa ilog, buwis buhay ‘yung ginawa niya para lamang mailigtas ang bata. Hindi iyon madali lalo na’t ang lakas ng agos ng tubig. Saludo ako sa’yo, sir. Ikaw ang tunay na hero.”
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment