Monday, August 17, 2020

Sikat na TV host, Ipinakilala sa Publiko ang Lalaking Nagpapasaya ng kanyang Puso


Ipinakilala na sa wakas sa publiko ng sikat ng celebrity at TV host na si Bettina Carlos ang bagong katuwang nito at ng kaniyang anak sa buhay.

Para kay Bettina, ‘answered prayer’ at ‘blessing’ umano ang pagdating ni Mikki Eduardo sa buhay nito. Ilang taon umanong ipinagdasal ni Bettina na dumating na ang lalaking magiging katuwang niya sa buhay.

Kaya naman, sa isang Instagram post ay ipinakilala na ni Bettina ang kanya ngayong non-showbiz partner at kung paano nito minahal hindi lamang ang TV host kundi pati rin ang kanyang anak na si Gummy.

“For years I have prayed to the Lord for a man who ‘is already who he should be’ yung okay na. Ayos na. ‘Wala na kong babaguhin’. LORD pwede po ba KUNG MAAARI LANG NAMAN LORD ‘yung ibibigay Mo po yung natrain mo na? Yung di ko na po kailangang turuan paano mamahalin at pakikisamahan ang anak ko???


“And God gave us you, @mikki.e.eduardo,” pagbabahagi pa ni Bettina.

Sa loob ng siyam na taon, mag-isang pinalaki ni Bettina ang kanyang anak na si Gummy. Kaya naman, napakahalaga para sa TV host na mahalin din ng kanyang magiging karelasyon ang kanyang anak.

Sa pagdating ni Mikki sa kanyang buhay, malaki umano ang pasasalamat ni Bettina sa Panginoon dahil maliban sa kanya ay totoong minahal din nito ang kanyang anak. Saad pa nga ni Bettina,

“I didnt have to wait for you to love G because from Day 0 you have already decided. Or teach you how to get along with a child because you are a child at heart. And neither did I have to wonder if you know what youre getting yourself into and if youre ready to be a Dad because God Himself already prepared you for that role and placed that desire in your heart...before we even met.


“Ahhhhhhh truly, every good and perfect gift is from above. And when the Lord blesses, He adds no sorrow to it.”

Kaya naman, mensahe pa ni Bettina para sa kanyang kasalukuyang partner,

“You are perfect FOR US, my Love. You are my answered prayer. A blessing from the Lord. I thank God for you everytime I remember you. What an amazing God we have noh!”

Marami naman ang natuwa sa anunsyo at pagpapakilalang ito ni Bettina kay Mikki. Sa Instagram, marami ang nagpahayag ng tuwa para sa TV host na nakatagpo na umano sa wakas ng lalaking magmamahal dito.


Natuwa rin ang mga ito na makitang masaya si Bettina sa kasalukuyang relasyon na mayroon ito. Nagpahayag rito ng pagsuporta hindi lamang ang mga kaibigan nito sa showbiz kundi pati na rin ang kanyang mga tagahanga.

Sa naturang Instagram post, nagbahagi rin si Bettina ng kanyang natutunan mula rito. Aniya,

“Hindi naman kasi pala talaga natin dapat baguhin ang tao. Kasi si Lord lang ang babago at magaayos at maghahanda sa kanila. (At sa atin din).”

Source: Gmanetwork
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment