Tuesday, August 11, 2020

Xander Ford, May Inilabas na Pahayag Tungkol sa Umano’y ‘Scandal’ Nito na Kumakalat



Isa na naman umanong isyu ang kumakalat tungkol sa kontrobersyal na si Xander Ford, o Marlou Arizala, matapos na kumalat ang umano’y ‘scandal’ nito sa social media.

Ayon sa kumakalat na video, si Xander umano ang isa sa dalawang lalaki na makikita roon na nagtatalik. Iba’t-iba naman ang naging reaksyon ng publiko dito sa umano’y bagong kontrobersiya na naman tungkol kay Xander.

Upang umano’y linawin ang kanyang panig tungkol dito, nagsalita sa pamamagitan ng isang Facebook Live si Xander at naglabas ng kanyang opisyal na pahayag.

Ayon sa umano’y internet sensation, hindi raw ito ang lalaking itunuturo na siya sa naturang scandal. Inilarawan pa nga ni Xander ang pagkakaiba umano ng naturang lalaki sa kanya kaya malayo umano na siya ang nasa naturang video.


“Hindi naman ako napipikon at hindi rin ako defensive kasi hindi naman talaga ako ‘yun. Ang pangit lang dun sa part ko na gagawan niyo ako ng issue, hindi pa totoo. Diba?

“Sana, gawan n’yo ko ng issue ‘yung totoo naman, diba? ‘Yung may video talaga… ‘yung ako mismo talaga,” ani pa ni Xander.

Ibang-iba raw umano ang itsura ng lalaking nasa video kumpara kay Xander. Saad pa nito, di hamak na mas makinis umano ang naturang lalaki sa video dahil aminado naman umano si Xander na mayroon siyang mga peklat lalo na sa may braso.

“Sobrang kinis nung lalaki. Tapos, ang taba-taba niya… ang payat-payat ko tapos ang itim-itim pa ng siko ko. Tapos ‘yung lalaki ang puti ng siko niya, tapos ang kini-kinis ng balat niya. Eh nakita niyo ang balat ko, madumi pa nga ‘yung balat ko,” paliwanag pa nito.



Ayon pa kay Xander, imbes umano na siya ang pagdiskitahan ng mga tao, bakit hindi nalang umano ipagdasal ng mga ito ang mga nangyayari ngayon sa bansa. Hindi naman umano kasi siya apektado sa kahit na anong sabihin sa kanya ng mga tao.

Dagdag pa ni Xander, hindi naman daw kasi siya ang gumagawa ng isyu kundi ang mga taong patuloy na nagbabato nito sa kanya. Nasa social media lang naman daw kasi siya para makatulong sa kanyang pamilya.

“Ang laki ng problema ng Pilipinas, hindi ako dumagdag. Kayo lang ‘yung dumadagdag. Gumagawa kayo ng kwento, comment kayo nang comment ng kung anu-ano…

“Hindi ako gumagawa ng issue guys, kayo ang gumagawa ng issue…

“Tahimik nalang kayo. Kung ayaw niyo sa’kin, edi i-unfollow niyo ako. Ganun lang naman ‘yun, napakadali lang naman. Hindi ko naman po kayo pinipilit na i-like po ako, o gustuhin iyo po ako kasi hindi naman po ako nandito sa social media para magpasikat sa inyo,” ani pa nito.


Muli nitong idiniin na hindi umano ito ang lalaking nasa naturang video dahil, aniya pa, hindi nga raw siya nagkaroon ng ganoong video doon sa dati niyang karelasyon.

Ang tinutukoy rito ni Xander ay ang kanyang ex-girlfriend na nagsampa sa kaya ng kasong pananakit at pagtangkang panggagahasa.


Mensahe na lamang umano ni Xander sa taong nagpapakalat ng naturang video, sana raw ay makonsensya ito sa kanyang ginawa kung saan gumamit pa umano ito ng ibang tao para lamang kumita mula sa naturang video.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment