Monday, September 7, 2020

BB Gandanghari, May Ibinahagi Tungkol sa Nakaraan Nila ng Isang Sikat na Aktor



Marami ang naintriga sa isa sa pinakabagong kwento na ibinahagi ni BB Gandanghari, o dating kilala bilang ang aktor na si Rustom Padilla. Sa kanyang vlog, idinetalye ni BB Gandanghari ang ilan umano sa mga pangyayari dati sa pagitan nila ng isang sikat na aktor.

Sa kanyang vlog, tinago ni BB sa mga pangalang ‘David’ at ‘Jonathan’ ang mga karakter sa kanyang kwento; si ‘David’ bilang si Rustom, at si ‘Jonathan’ naman bilang ang naturang sikat na aktor. Nangyari umano ang kwentong ito ni BB noong 2001, sa San Francisco, California.

Sa kanyang kwento, malinaw umano ayon sa mga netizen na ang tinutukoy niya rito ay ang aktor na si Piolo.

“Alam niyo na kung sino si David at Jonathan, but just so maingatan natin 'yung punto ng kuwento na this is still about love, excuse me, as far as Rustom is concerned. Hayaan natin itong tawagin na David and Jonathan para maiwasan 'yung mga salitang nakakasakit,” ani pa ni BB.


Ibinahagi dito ni BB ang nangyari umano sa kanila ng naturang aktor na ikinagulat naman ng marami. Ang mga rebelasyon dito ni BB ay lubos na pinag-usapan ng publiko.

“Nag-umpisa bilang buddies, enjoying each other’s company… They just danced the whole night. It was a night to remember…

“Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very… That made the night more memorable.

“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed…


“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, eh. But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped,” pagkukwento pa ni BB.


Hindi lamang dito natatapos ang kwento ni BB dahil, nasundan pa umano ang pangyayaring ito sa pagitan nila ng naturang aktor. Ang mga pribado nilang pag-uusap at pagsasama ay ibinahagi din dito ni BB kung saan, ayon sa kanya ay maaari umanong isang pag-ibig.

“So, umakyat si Jonathan. Pagdating ni Jonathan, meron siyang bottle of wine at tatlong pirasong saging… So, pinapasok niya, nagkuwentuhan sila. Ganoon din, binuksan ang wine. Nagkuwentuhan pa nang nagkuwentuhan. Nagkakilanlan, nagtatawanan, nagbibiruan…

“It was really more of parang male bonding. Hindi naman sila nagpi-flirt, pero alam mong between them, there was an attraction…

“Surprisingly, nagkaroon sila ng private moment. Hindi talaga sinasadya ‘yon. All of a sudden, they found themselves in their own privacy… I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan…


“And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing. That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other,” dagdag pa ni BB sa kanyang kwento.


Bagama’t marami ang nasurpresa at naintriga sa mga rebelasyong ito ni BB, hindi lahat ay ikinatuwa ang paglalahad niya ng mga ito lalo na ang pagdamay pa umano nito ng pangalan ni Piolo.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Piolo tungkol sa ibinahaging ito ni BB.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment