Friday, September 4, 2020

Bugoy Cariño at Volleyball Player EJ Laure, Ibinunyag sa Publiko ang Pagkakaroon Nila ng Anak



Nito lamang ika-3 ng Setyembre, sa mismong ika-18 kaarawan ng dating child star at Hashtag member na si Bugoy Cariño, ginulat nito ang publiko sa pagbubunyag nito na mayroon na itong anak sa kanyang karelasyon na si EJ Laure, isang volleyball player.

Sa isang Instagram post, ipinakilala ni Bugoy, 18 taong gulang, ang kanilang anak ni EJ, 25 taong gulang, na si baby Scarlet. Dito, ibinahagi ni Bugoy ang kanya umanong tuwa sa pagkakaroon ng pamilya. Saad pa ni Bugoy,

“HAPPY BIRTHDAY TO ME!

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”


Ito ang unang pagkakataon na magbahagi ng larawan si Bugoy na kompleto silang tatlo ng kanyang anak at ni EJ. Sa isa ring Instagram post, nagbahagi rin ng larawan at pagbati si EJ para kay Bugoy. Ani naman dito ni EJ,

“Happy birthday, Mahal. thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino! We love you so much, daddy!”


Agad naman na bumuhos ang mga pagbati para sa dalawa. Ilan sa mga agad nagpaabot ng kanilang pagbati para kina Bugoy at EJ ay ang mga nakasama at kaibigan ng mga ito sa showbiz at volleyball community.

Kung matatandaan, taong 2018 nang unang kumalat ang balita na umano’y nabuntis ni Bugoy ang girlfriend nito na si EJ. Ayon noon sa mga ulat, ito umano ang dahilan kung bakit nagpaalam si Bugoy bilang miyembro ng Hashtag at natigil naman sa paglalaro ng isang taon sa UAAP volleyball si EJ.


Dalawang tao ang itinigal bago muling makapabalik si EJ sa paglalaro bilang bahagi ng volleyball team ng University of Sto. Tomas. Bago ito, natanggap ni EJ ang pagkilala bilang Rookie of the Year kaya naman, naging malaking isyu ang paglabas ng balita na ito araw ay nagbubuntis.

Ngunit, mahigpit na pinabulaanan dati nina Bugoy at EJ na walang katotohanan ang naturang balita. Dating captain ng UST Golden Tigresses si EJ at ayon sa kanya, ipinapahinga lamang umano nito ang kanyang na-injured na balikat.

Pahayag pa nga dati ni EJ,

“Ewan ko ba kasi talaga sa trip nyo. Basta ako I’ve been enjoying my life and resting my shoulder for S81 been living nice and simple then makakabasa ako ng kung ano ano? Just to end everything ‘wala akong control sa isip n’yo kasi may kanya kanya tayo’. Godbless nalang.


“Ps: December buntis daw ako tapos January buntis din ako tas March buntis na naman? Jusko 3 months na akong buntis so triplets pala to?”


Taong 2019 na nang muling makabalik sa paglalaro si EJ ngunit, dahil sa pandemya ay agad ding natigil ang mga laro nito sa UAAP.

Ang naging rebelasyon na ito ngayon nina Bugoy at EJ ay lubusang ikinagulat ng publiko kaya naman, agad itong naging trending topic sa Twitter. Gayunpaman, marami sa mga tagasuporta ng dalawa ang piniling suportahan ang mga ito at maging masaya na rin sa kanilang bagong buhay bilang isang pamilya.
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment