Friday, September 4, 2020

Vlogger Llloyd Cadena, Pumanaw na; Mga fans at Netizens, Hindi Makapaniwala!



Pumanaw na ang sikat na vlogger at youtuber na si Lloyd Cadena, ayon mismo sa anunsyo na ibinahagi ng kanyang official Facebook page nito lamang Biyernes, ika-4 ng Setyembre.

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” ani pa sa Facebook page nito.

Dahil sa balitang ito, nayanig ang gulat na gulat na publiko sa social media na hindi makapaniwala sa pagpanaw ng vlogger.

Ayon sa ilang mga ulat, cardiac arrest umano ang ikinamatay ng vlogger na bunsod naman ng COVID-19. Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na anunsyo sa tunay na sanhi ng pagkamatay nito.


Sa Twitter, trending topic agad ang malungkot at hindi inaasahang pagpanaw ng isa na namang hinahangaan at isa sa pinaka sinusubaybayang vlogger sa bansa. Number 1 trending topic sa Twitter ang ‘Lloyd Cadena’ at patuloy ang pagpapaabot ng mga netizen ng kanilang pakikiramay sa pamilya nito.

Maging ang mga kapwa vlogger at mga artista na kaibigan at nakasama ni Lloyd ay hindi rin makapaniwala sa naturang balita. Isa sa mga vlogger na ito na unang nagpaabot ng kanyang pakikiramay kay Lloyd ay si Richard Juan.

“Not a lot of you may remember this, but one of the first collabs I ever did was with Lloyd Cadena (he agreed to collab with me when I was literally at less than 10k subs!). Lloyd was one of the funniest, non-toxic, and humble YouTuber I've ever met.


“Thank you Lloyd; RIP,” pahayag pa nito tungkol sa kapwa vlogger.

Hindi makapaniwala ang mga netizen na isang vlogger na naman ang tuluyang namaalam matapos ang pagpanaw rin ng vlogger na si Emman Nimedez noong nakaraang buwan.


Heto ang ilan sa mga pakikiramay at mga pahayag ng mga netizen sa Twitter kaugnay ng malungkot at nakakagulat na pagpanaw ni Lloyd Cadena:

“One of the best YouTube vlogger in the Philippines Lyold Cafe cadena, mamimiss ko tlaga yung ‘gusto mo yun, gusto ko ren yan’. Goshh I didn’t really expected this to happen. Rest In Peace Lloyd Cadena.”

“Never ko na-imagine na darating ang araw na magpo-post ako ng ganito. You have been one of the kindest person I've known. From your LC Learns admins, we love you, Lloyd Cadena. Rest in Paradise.”

“May you rest in peace, Lloyd Cadena. My favorite comedian vlogger and influencer. I won't be able to hear his iconic  intro and line ''gusto mo yon? gusto ko yon!'' again :(“


“Why are we losing such good people this year who brought nothing but pure happiness and joy??? 2020, you're too much. RIP Lloyd Cadena, our Kween LC”


“let this sink in. legends and pioneers of vlogging in the philippines, the creativity and artistry that both of them established. rest in peace, lloyd cadena and emman nimedez. #RESTINPARADISE”

Salamat sa lahat ng magagandang ala-ala at pagbibigay ng saya, Lloyd Cadena. Rest in Peace.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment