Matagal nang idinadaing ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng mahina at mabagal na internet speed at ang hindi umano magandang serbisyo ng mga internet provider sa bansa tulad ng Globe at PLDT.
Kaya naman, sa pagdating ng isa pang telco company sa bansa na umano’y siyang magbibigay solusyon sa matagal nang problema ng mga Pilipino sa internet, marami ang hindi na makapaghintay na magsimula ang operasyon nito.
Ito ay ang DITO telecom na umano’y sagot sa mabagal na internet sa bansa. Sa average internet speed daw nito na 27 mbps, babaguhin daw nito ang takbo ng internet sa bansa na binansagang isa sa pinakamahina at pinakamahal sa buong mundo.
Kaya umanong magbigay ng DITO ng hanggang 200 mbps na internet speed sa halagang abot kaya at malayong-malayo sa kasalukuyang binabayaran ng mga PIlipino para sa kakapiranggot na internet speed.
Sa social media, kamakailan lang ay mayroong kumalat ng mga larawan kung saan makikita ang umano’y pasilip sa magandang serbisyo na hatid ng DITO. Sa naturang mga larawan, makikita umano na ang DITO sim card ay mayroong nang 4G VoLTE signal at makikita na rin umano ito sa Ookla Speed Test.
Ipinapangako umano ng telco company na makakaranas ng mahigit sa 80 mbps ang halos lahat ng populasyon sa bansa sa loob ng limang taon.
Hindi pa man nakukumpleto ang lahat ng mga satellite o cell tower ng DITO telecom sa buong bansa ngunit ayon sa isang Ookla Speed Test na isinagawa sa DITO ay umaabot na umano sa 58 mbps ang speed peak nito. Nakatakda din umanong magbigay ang DITO ng hanggang 5G na signal sa kanilang mga subscriber.
Kaya naman, mas lalong naging excited pa ang marami na matapos at maging opisyal na ang pagbubukas ng DITO sa buong bansa upang hindi na kailangan pang magtiis ng mga Pilipino sa mabagal at napakamahal na internet.
Ayon sa mga ulat, opisyal na umanong magbubukas sa publiko at sa buong bansa ang DITO telecom sa susunod na taon. Buwan ng Marso, taong 2021 umano ang target ng naturang kompanya na opisyal na maglunsad.
Bagama’t hindi na makapaghintay ang marami na maging internet provider nila ang DITO, sa ngayon ay hindi pa tumatanggap ng subscribers ang mga ito dahil gusto nilang siguraduhin na magiging maayos umano ang lahat sa kanilang pagbubukas.
Nabigyan ng permit na mag-operate sa buong bansa ang DITO telecom ng igawad dito ni President Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang Cerificate of Public Covenience and Necessity by the National Telecommunications Commision.
Bago maging DITO ay tinawag muna ang telcom bilang Mindanao Islamic Telephone Company na nakabase sa Mindanao.
Sa kabilang banda, dahil sa hindi umano magandang serbisyo na ibinibigay ng mga malalalaking telcom sa bansa, ipinag-utos ng Pangulo sa mga kompanya na ito na pagbutihin ang kanilang serbisyo.
Kaya naman, dahil sa mandong ito ng Pangulo at marahil sa nakatakdang pagiging bahagi ng DITO sa malalaking telecom sa bansa, tinatrabaho na ng mga telco company na ito ang pagpapabilis sa kanilang internet speed at pagpapaganda ng kanilang serbisyo.
Source: abo3antar
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment