Dedma lamang para sa aktres at ngayon ay Youtube star na rin na si Ivana Alawi ang mga pambabash na natatanggap niya mula sa publiko. Ito ang isa sa mga ibinahagi ng aktres sa isa sa pinakabago niyang vlog.
Hinid lingid sa kaalaman ni Ivana na may mga taong hindi nagugustuhan ang kanyang personalidad lalo na ang kanyang pagpapa-sexy. Hindi na bago sa katres ang makatanggap ng mga pambabatikos dahil rito na kadalasan ay galing sa mga umano’y ‘moralista’.
Sa social media, confident si Ivana na magbahagi ng mga larawan nito suot ang bikini o mga kasuotan na kita ang hubog ng kanyang katawan. Kaya naman, nagkalat din sa social media ang kanyang mga bashers na panay ang bato sa kanya ng mga masasakit na salita.
Para kaya Ivana, alam niya na wala siyang ginagawang masama kaya hindi siya nagpapaapekto sa mga pambabatikos na ito sa kanya ng mga bashers. Ani pa ng aktres, alam niya umano kung ano ang totoo at tama kaya wala siyang dapat na ipaliwanag.
“Ever since, hindi talaga ako sumasagot sa issues. Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan… Alam ko naman kung ano yung totoo and hindi ko na kailangan iesplika na, ‘Oy, guys, ito talaga. Ito kailangan kong sumagot.’ Kasi lalaki lang yung isyu, e.
“At kung alam mo naman yung tama, ano yung totoo, then you’ll just gonna keep quiet, kasi hindi ka naman apektado, e,” saa pa ni Ivana.
Ikanga ng sikat na vlogger, kanya-kanyang trip naman umano ‘yan sa mga tao kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay. Para kay Ivana, mas gusto niya na lamang na manahimik at huwag patulan ang mga pambabash sa kanya ng mga tao lalo na sa social media.
Hindi umano siya naaapektuhan sa mga ito dahil wala siyang pakialam sa opinyon ng mga ito kung alam naman niya kung ano ang tama at totoo. Ang mahalaga lamang umano kay Ivana ay ang mga pahayag ng kanyang pamilya at ng kanyang mga totoong kaibigan.
Wala umano siyang kailangan na patunayan sa mga bashers niyang ito at alam ito ng mga taong nagmamahal at totoong sumusuporta sa kanya.
“Usually kasi hindi naman ako naaapektuhan, lalo na kapag alam ko yung totoo, and alam ng pamilya ko yung totoo, and yung mga close friends ko. ‘Yun lang naman importante sa akin, e.
“Wala na akong gustong patunayan sa ibang tao na, ‘Hoy, ganito ‘yon, o ganyan.’ Kasi the true followers and my fans, they know me, and I love them, and I love my family, and I love life,” dagdag pa ni Ivana.
Ilan sa mga programa kung saan lumabas si Ivana ay ang ‘Ang Probinsyano’ at ‘Sino Ang Maysala’ sa ABS-CBN. Maliban sa pagiging isang aktres sa Kapamilya network, si Ivana ay kilala na rin bilang isang vlogger kung saan, sa loob lamang ng mahigit dalawang taon ay humakot na ito ng mahigit sa siyam na milyong Youtube subsribers.
Inaabangan dito ng kanyang mga subscribers ang kanyang mga nakakaaliw na vlogs na kadalasan ay kasama niya ang kanyang pamilya.
Source: INQUIRER
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment