Dismayado ang isang lalaking ito matapos makipagkita sa kanyang ka-date sa isang restaurant at malamang wala pala umanong ‘We Bare Bears’ ang mukha ng kanyang ka-date na gaya ng nasa larawan nito sa social media.
Ayon sa ulat, nauwi pa umano sa pagwawala sa naturang restaurant ang pagiging dismayado ng lalaking ito. Galit na galit umano ito sa babaeng ka-date at nagbanta pa na baka masaktan niya umano ito.
Paborito raw kasi ng naturang lalaki ang ‘We Bare Bears’ kaya nito nagustuhan ang ka-date sana nitong babae. Nagkakilala raw ang mga ito sa isang online dating application kung saan, mayroong filter na ‘We Bare Bears’ ang larawan ng babae.
Dahil dito, agad umano na niligawan ng lalaki ang naturang babae at hindi kalaunan ay naging sila na nga. Sa bawat larawan umano na ipinapadala rito ng babae ay gumagamit umano ito ng filter na mayroong ‘We Bare Bears’ ang kanyang mukha.
Kaya naman, inaasahan umano ng naturang lalaki na sa kanilang tuluyang pagkikita ay mayroon pa ring ‘We Bare Bears’ sticker sa mukha ng kanya na ngayong girlfriend.
Ngunit, ganoon na lamang ang pagkakadismaya nito nang hindi nito makita ang inaasahan nang magkita na sila ng naturang babae sa isang restaurant.
Dahil hindi nito nakita ang sticker ng ‘We Bare Bears’ sa mukha ng ka-date, nag-away at nagkasagutan umano ang mga ito sa isang restaurant na muntik pang matuloy sa pisikal na pagsasakitan.
Galit umano ito na hindi makita sa personal ang paborito nitong ‘We Bare Bears’ na palagi nitong nakikita sa mga larawang ipinapadala sa kanya ng ka-date.
“Ano ba yan nakakadisappoint naman. Diba may we bare bears stickers ka sa mukha, bakit sa personal wala? Galit ako, gusto ko may we bare bears. Sige uwi kana,” ani pa umano ng naturang lalaki sa babaeng kanyang ka-date.
Dahil dito, hindi na umano napigilan pa ng babae na maging emosyonal dahil sa inasta ng kanyang ka-date at boyfriend na rin dahil lamang sa bagay na iyon. Napaiyak pa nga umano ito nang sagutin ang mga pahayag ng dismayadong lalaki.
Dahil nagalit ito sa kanya dahil lamang sa hindi nito nakita ang ‘We Bare Beras’ sticker sa kanyang mukha, bumanat din dito ang babae at sinabing kahit pangit nga umano ang lalaki ay hindi naman umano siya nagreklamo.
“Grabe naman ugali mo, hindi mo naman pala ako mahal. Sige hala ito jowain mo na lang yung filter. Ikaw nga pangit eh pero di ako nagalit. If you can't love me at my worst then you can't have me at my best,” saad pa ng babae sa naturang lalaki.
Maraming mga netizen naman ang hindi mapigilang matawa sa balitang ito at hindi makapaniwala na dahil lamang umano sa naturang bagay ay nag-away at muntik magsakitan ang dalawa.
Kaya naman, trending agad sa social media ang kakaiba at pambihira ngunit totoong pangyayari na ito. Bagama’t naawa rin ang mga ito sa naturang babae, idinaan na lamang sa biro ng mga netizen ang kanilang naging payo para rito.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment