Sunday, September 6, 2020

Isang Netizen, Mayroong Ibinunyag Tungkol sa Kanyang Dating Kaibigan: “Bestfriend ko noon, Stepmom ko na ngayon”



Trending at mainit na pinag-usapan sa social media ang tungkol sa isang pasabog na rebelasyon ng netizen na ito sa kanyang Facebook post tungkol sa dati umano nitong bestfriend.

Ayon sa netizen na si KL Nebriaga, ang dati lamang umano nitong bestfriend ay kanya na ngayong stepmom!

“Bestfriend ko noon, step mo ko na ngayon,” ani pa ni Nebriaga.

Base sa kanyang ibinahaging Facebook post, ang tinutukoy niya umano rito ay ang isang Jeneath Salis. Nagbahagi pa nga ito ng ilang mga larawan nilang dalawa na magkasama.

Maliban dito, ibinahagi rin ng naturang netizen sa social media ang ilang mga larawan ng naging pag-uusao umano nila ni Salis. Mainit ang naging pag-uusap nilang ito kung saan, tinawag nitong ‘kabet’ ang umano’y dati niyang matalik na kaibigan.


“Atleast di ako kabet. Di ako naninira ng pamilya. At di ako napatol ng tatay ng bestfriend. Hindi ako perpekto. Pero hindi ako kasing bullsh*t mo,” prangkang pahayag pa nito kay Salis.

Ayon sa naturang netizen, nabuntis umano ng kanyang tatay ang babaeng ito na dati niyang mataik na kaibigan. Kaya naman, ibig sabihin ay dinadala nito ang kanyang magiging bagong kapatid.


“magkakaron pa ko ng kapatid sayo ah! guys, siya pa matapang,” dagdag ani pa ng naturang netizen.

Maraming mga netizen naman ang nagulat at hindi makapaniwala sa sitwasyong ito ng naturang netizen. Dahil sa bihira at hindi nga naman kapani-paniwala na mangyari ang ganitong sitwasyon sa totoong buhay, maraming mga netizen ang hindi napigilang ipahayag ang kanilang pagkagulat sa naturang pangyayari.

Kaya naman, agad naging trending ang Facebook post na ito ni Nebriaga kung saan umabot na nga sa mahigit 80 000 reactions ang naaani nito at shares na umaabot na rin sa mahigit 70 000.


Bagama’t hindi makapaniwala, karamihan sa mga netizen ay nagbigay ng mensahe sa naturang netizen para sa pinagdadaanan umano nito ngayon. Ayon sa mga ito, patuloy raw na magpakatatag ang naturang netizen sa kabila ng pagsubok na ito sa kanilang buhay.

Ani pa ng ilan sa mga netizen,

“Example na ‘yan na ‘wag kayong magtitiwala sa mga tinuring n’yong kapatid.”

“Mga tao ngayon talaga. Kung sino pa mali, sila pa ang matapang.”

“Sakit nang ganon. Tinuring mong kapatid, siya rin pala sisira sa pamilya mo.”

“Patawa siya amp. Paano nya kaya nasikmura na sirain pamilya ng kaibigan niya.”

“Let karma do the work, ate!! Just keep on praying lang po!!”




Nakakalungkot man ngunit, mayroon pa ring iba na hindi naiwasang gawan ng biro ang sitwasyong ito ni Nebriaga.

Base sa kanyang Facebook post, lumalabas na sina Nebriaga pa umano ang lumalabas na masama. Kaya naman, upang mabigyan ng hustisya ang umano’y pagsira ng kanyang dating bestfriend sa kanyang pamilya ay marami ang nagmungkahi rito na ipaabot sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang sitwasyon.

Kaya naman, maliban sa mga kaibigan ni Nebriaga ay maging mag ordinaryong netizen ay tumulong na rin na maipaabot kay Tulfo ang sitwasyon niyang ito.

Source: whereinbacolod


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment