Sunday, September 6, 2020

Lara Quigaman, Ibinunyag ang Pagseselos Umano Dati ng Asawang si Marco Alcaraz kay Piolo Pascual



Nang minsang paunlakan ng aktres na si Lara Quigaman ang isang panayam nito sa programang Tonight With Boy Abunda, napag-usapan ang tungkol sa umano’y naging pagseselos ng kanyang mister sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa programa, naikwento ni Lara kay tito Boy ang umano’y pagseselos dati ni Marco Alcaraz kay Piolo. Ayon kasi kay Lara, dati pa man umano ay talagang crush na crush niya na ang aktor.

Sa katunayan, nang maikasal kay Marco ay kasali pa nga umano sa kanyang wedding vows si Piolo. Akala ni tito Boy ay nagbibiro lamang ang aktres ngunit totoo umano itong nangyari sa kanilang kasal.

“Kasi tito Boy, alam mo naman… alam na ‘to ng maraming tao, kung gaano kong kamahal talaga si Piolo. Kahi dati pa. Kasama nga ‘yan sa vows ko ‘nung kasal namin ‘eh…


“Sabi ko nun, ‘I asked God for Piolo Pascual, pero ikaw ang binigay niya’, sabi kong ganun,” natatawa pang kwento ng aktres.

Dagdag kwento ng aktres, sa tuwing nababanggit niya umano si Piolo, ang palagi niya umanong nasasabi ay ang tungkol daw sa matigas nitong dibdib at sa mabango nitong amoy o pabango.

Kaya naman, dahil kasi raw ay nagseselos si Marco sa aktor, inalam umano nito kung ano ang pabango na ginagamit ni Piolo at ipinahanap kung saan ito nabibili. Kahit na sa ibang bansa pa raw ’yun ibinebenta, binili umano ito ni Marco para lamang magkasing bango na umano sila ni Piolo na siya namang gustong-gusto ni Lara.


“Tapos ‘yung mga tao pa, pag kinikwento ko pa si Papa P., pagkinikwento ko siya sassabihin ko talaga, ‘Ang bangu-bango! Ang tigas ng dibdib!’. Ganyan!


“So ‘tong asawa ko, hinanap niya talaga… inalam niya pa talaga, kung ano ‘yung pabango ni Papa P., kung ano ang scent niya. Hinanap niya talaga at nagpabili siya kasi ‘nung time na ‘yun, hindi pa available sa Pilipinas. Pinahanap niya, nagpabili talaga siya, at ginamit niya para daw masabi ko na mabango na rin siya,” pagpapatuloy pa ni Lara sa kanyang kwento.

Marami naman ang natawa sa kuwentong ito ni Lara na ayon pa sa mga netizen ay nakapagpangiti umano sa kanila. Maliban daw kasi sa kulit ng kwentong ito ni Lara, hindi umano nila maiwasan na humanga sa kagandahan ni Lara habang ito’y nagkukwento.

Maliban kasi sa pagiging magaling na aktres, kilala rin si Lara bilang isa sa mga artista na may pinakamagandang mukha sa showbiz. Kaya naman, hindi na kataka-taka kung gaanong ipinahanap pa umano ni Marco ang pabango ng pinagseselosan nitong si Papa P. para lamang matuwa ang kanyang magandang misis.


Ikinasal sina Lara at Marco noong 2012 sa isang Christian wedding sa Tagaytay. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang dalawang anak; sina Noah at Tobin. Ngunit, kamakailan lang ay inanunsyo nina Lara na buntis ito ngayon sa kanilang ikatlong anak na isa ring lalaki.


Masayang ibinahagi nina Lara ang tungkol sa balitang ito nito lamang buwan ng Hunyo sa isa sa kanilang mga vlog.

Source: artistaph
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment