Saturday, September 5, 2020

Jillian Ward, Willing Umano na Makipag-date sa Isang Fan



Sa pagdadalaga ng dating child star na si Jillian Ward ay hindi na maitatanggi ang angat na angat nitong kagandahan. Kaya naman, hindi nakapagtataka na marami ang mga nagkakagusto rito sa loob at labas man ng showbiz.

Sa ngayon, nasusubaybayan ng publiko si Jillian sa kanyang mga social media accounts at maging sa mga vlogs na ibinabahagi nito sa Youtube.

Kamakailan nga lang, sa isang vlog na ibinahagi ni Jillian, mayroon itong nabanggit tungkol sa posibilidad umano na makipagdate ito sa isang fan o tagahanga.

Dahil hindi nga maikakila ang ganda ni Jillian, hindi na kataka-taka kung bakit napakarami sa mga fans nito ang nagkakagusto sa kanya at pangarap na maka-date ang dalagang aktes.


Sa naturang vlog, naitanong kay Jillian kung payag nga ba itong makipagdate umano sa isang fan. Tanong pa nga sa aktres,

“Would you date a fan?

Sagot naman ni Jillian, mayroon umanong posibilidad na mangyari ito lalo na’t hindi naman umano nakokontrol ng isang tao kung sino ang nagugustuhan nito. Ani pa ng 15 taong gulang na aktres, maaari umano itong mangyari lalo na’t nasa tamang oras at panahon na sila.

“Siguro pag ‘yung nasa tamang oras na. Hindi naman natin nakonkontrol kung kanino tayo magkakgusto. So, why not?,” saad pa ng aktres.

Para kay Jillian, kapag dumating na ang tamang oras at panahon ay pwede umano itong mangyari.


“One day… kapag pwede na,” dagdag pa ni Jillian.


Ayon kay Jillian, malaki umano ang pagpapahalaga niya sa kanyang mga fans o tagasuporta dahil wala umano siya sa posisyon nito ngayon kung hindi siya sinuportahan ng mga ito mula pa noon.

Masaya rin umano ang aktres na nakapagbibigay siya ng saya sa mga ito at pati na rin inspirasyon.

Sa naturang vlog, inilarawan din ni Jillian ang para sa kanya ay matatawag niyang kanyang ‘ideal man’. Ayon kay Jillian, pinakahinahanap niya umano sa isang lalaki ay ‘yung taong nirerespeto rin ang kanilang mga sarili

“Gusto ko ‘yung mga hardworking. Gusto ko ‘yung mabait, ‘yung may respeto sa mga tao and ‘yung talagang mataas din yung standards para sa sarili — ‘yung nirerespeto rin yung sarili niya,” saad pa ng aktres.

Dagdag pa ni Jillian, hindi lang naman daw umano ito paglalarawan sa kanyang maituturing na ‘ideal ma’ kundi ganito rin umano ang mga ugali na hinanahanap niya sa kanyang mga kaibigan at sa mga taong malalapit sa kanya.



Maliban sa respeto sa sarili at pagiging mabait, pinakagusto niya rin umano sa mga taong ito ay ang pagkakaraoon nila ng direksyon o pangarap sa buhay na gusto nilang mapuntahan.

Dahil sa mga pahayag na ito ni Jillian, mas lalo pa umano itong hinangaan ng kanyang mga tagasuporta. Bukod kasi sa natatanging ganda na mayroon ang aktres ay hindi rin umano maikakaila na isa itong mabuting tao.

Bata pa lamang ang aktres ay marami na itong mga tagahanga at hanggang ngayon ay nananatili pa ring mga fans at tagasunod ni Jillian. Natutuwa ang mga ito na malaman ang malaking pagpapahalaga ni Jillian para sa kanila.


Hindi umano nagsisisi ang mga ito na ang katulad ni Jillian ang kanilang naging idolo at hinahangaan.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment