Saturday, September 5, 2020

Michelle Dy sa Pagpanaw ng Malapit Niyang Kaibigan na si Lloyd Cadena: “Lord why did you take away the only one I had.”



Sa biglaang pagpanaw ng kilalang vlogger na si Lloyd Cadena, isa sa inabangan at inalala ng publiko ang magiging reaksyon ng malapit na kaibigan at kapwa nito vlogger na si Michelle Dy.

Kung matatandaan, noong mga panahong inulan ng batikos at halos iwan na ng mundo  si Michelle, si Lloyd lamang ang tanging nanatili sa kanyang tabi at patuloy na naniwala rito.

Sa mga panahon na halos lahat ng mga netizens at maging mga kaibigan ni Michelle ay iniwan na siya, si Lloyd lamang ang nandyan upang umintindi rito at manatili nitong kaibigan.

Kaya naman, sa pagpanaw ng nag-iisang tao na naniwala sa kanya, hindi lubos maisip ng publiko ang sakit at pagdadalamhati na nararamdaman ngayon ng vlogger.

Ilang oras nga matapos ang opisyal na unsyo ng malungkot na pagpanaw ni Lloyd, sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ni Michelle ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang totoong kaibigan.



“Lord why did you take away the only one I had,” ang emosyonal pang pahayag ni Michelle na nagpaantig sa puso ng maraming netizen.

Dagdag pahayag pa ni Michelle,

“I love you so much Lloyd… and I thank the Lord that I was able to made you feel how much you mean to me… I don’t regret anything because I know deep inside I expressed how much I love you and how much I appreciated you and I know you felt that…”


Ayon sa vlogger, si Lloyd umano ang unang kaibigan na dumadamay sa kanya sa tuwing mayroon siyang pinagdadaanan mapa-online man o offline. Ito umano ang palaging sumasalo kay Michelle.




“Some of you may not know.. That whenever I’m going thru something online or offline, si Lloyd ang unang magttxt sa sakon… as simple as ‘I love you’ ‘yan ang una nyang text and after that, he will Save me. He will save the day. Sya ang sasalo sa akin…

“We didn’t have so much friends, because we knew that both of us, alam namin pareho na kami… laging namimis interpret… we both had strong personalities that not a lot could handle… but sa aming dalawa, we were our safe place. I was the only one that could handle him and he was the only one that could handle me.”

Sa ngayon, ipinagdarasal ng mga netizen na sana ay malampasan ni Michelle ang malaking pagsubok na ito sa kanyang buhay. Hindi biro ang mawalan ng bestfriend na siyang nanatili sa tabi nito kahit na iniwan na siya ng lahat.


Kaya naman, sana raw ay magkaroon ng lakas ng loob ang vlogger na harapin ang naturang pagsubok ng pagkawala ng isa sa pinaka-importanteng tao sa kanyang buhay.


Sa isang Facebook post ng official Facebook page ni Lloyd Cadena nito lamang ika-4 ng Setyembre, inanunsyo nito ang biglaang pagpanaw ni Lloyd Cadena na isa sa pinakasikat at unang nagpasimuno ng pagv-vlog sa bansa.

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment