Kadalasang ibinebenta sa mga pet shop ay ang mga alagang hayop tulad ng aso, pusa, kuneho, at iba pa. Ngunit, nakarinig ka na ba ng pet shop na nagbebenta ng mga alagang langgam?
Ito ang ibinebenta ng espesyal na pet shop na ito sa Singapore na pinagkaguluhan sa social media. Dito, mahigit sa 30 uri umano ng mga langgam ang kanilang ibinebenta na pwedeng gawing pet o alagaan.
Ngunit, kung inaakala mo na maliit lamang din ang presyo ng mga langgam dahil sa kanilang pagiging maliit, nagkakamali ka. Ayon sa ulat, umaabot lang naman umano sa $200 o humigit kumulang Php 10,000 ang presyo ng mga mumunting langgam na ito.
Ang pet shop na ito ay may pangalang ‘Just Ants’ na pagmamay-ari ng isang John Ye. Ayon kay Ye, nais niya umanong ipakilala sa publiko ang mga langgam bilang isang importanteng bahagi ng ating kalikasan. Nais niya umanong baguhin ang nakasanayang pag-iisip ng mga tao tungkol sa mga langgam.
“I'm trying to change the misconception, and educate,” saad pa ni Ye.
Mayroon umanong magandang rason kung bakit nandidito ang mga langgam at ito ang nais na ituro ni Ye sa mga tao. Magandang halimbawa umano ang mga langgam sa pagpapakita ng magagandang ugali tulad ng pagiging pursigido.
“You know, young people, children, that actually ants are very enriching. They are so important in the ecosystem, they are actually here for a reason, and then if we could actually just learn from the humble ant, there are so many things that the ant could teach us, like perseverance, being headstrong,” dagdag pa ni Ye.
Nasa 30 iba’t-ibang klase o uri ng langgam ang makikita sa ‘Just Ants’ na ayon kay Ye ay galing pa umano sa iba’t-ibang mga isla. Espesyal ang mga langgam na ito kaya marahil ay hindi rin pahuhuli ang ilan sa mga presyo nito.
Sa kabila nito, dinumog pa rin ang kakaibang pet shop na ito ng mga residente sa Singapore lalong lalo na ang mga tinatawag na ant-lovers.
Ngunit, karamihan sa mga nagpupunta sa ‘Just Ants’ ay mga taong nag-uusisa at nais malaman kung ano nga ba talaga ang nasa loob ng kakaibang pet shop na ito.
Para sa iilan na hindi pamilyar na mayroong ganitong uri ng pet shop na nagbebenta ng mga laggam, halos hindi umano sila makapaniwa na mayroon nga nito. Nasanay na kasi ang publiko na ang pangkaraniwang pet shop ay nagbebenta ng mga hayop na aso, pusa, at iba pa.
“It's crazy, definitely it's crazy. If you told me that somebody loves it so much, I mean, maybe, it's a (special) trait to them,” saad pa ng isang hindi makapaniwalang residente sa Singapore.
Gayunpaman, marami naman ang pumuri sa may-ari ng ‘Just Ants’ dahil sa magandang layunin umano nito para sa mga langgam na madalas ay nakikita nga ng marami ngunit hindi naman napapakita ang pagpapahalaga rito.
Ayon sa iilan, maganda umano ang intensyon na Ye na ipagtanto sa mga tao na katulad ng iba pang mga hayop ay importante at mayroon ding mahalagang papel na ginagampanan ang mga langgam sa mundo.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment