Matapos ang sunod-sunod na mga pasabog at tsismis sa showbiz tulad ng pagkakaroon ng anak nina Sofia Andres, Carlo Aquino, Bugoy CariƱo, at ang spekulasyon naman ng pagbubuntis ni Janella Salvador, mayroon na namang bagong tsismis ang lumabas tungkol sa isa pang aktres.
Ito ay ang umanoāy pagbubuntis daw ni Julia Barretto sa anak nila ng aktor na si Gerald Anderson.
Ang mainit na balitang ito ay ibinahagi ng batikang broadcaster na si Jay Sonza sa Facebook nito lamang Lunes, ika-21 ng Setyembre. Pagbubunyag pa nito sa naturang ulat,
āDito muna tayo sa mga balitang may katotohanan, may pag-iibigan, may pinagsaluhang nakakapanginig ng laman at higit sa lahat, nagbungaā¦
āNapatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baogā¦
āAfter months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) - may nabuo sa sinapupunan ni Julia.ā
Dagdag pa nito sa linggwaheng bisaya, mukhang hindi na umano na napigilan pa ang pag-iibigan ng dalawa at nagresulta pa sa umanoāy pagbubuntis ni Julia. Makikibalita na lamang umano ito kung kailan ang magaganap na kasalan.
Hindi naman mapigilan ng mga netizen na magulat sa rebelasyong ito ng batikang mamamahayag. Ngunit, dahil galing na umano mismo kay Sonza ang balita, tiwala ang mga ito na totoo ang kanyang ibinahagi tungkol kina Julia at Gerald.
Sa ngayon, wala pang ibang mga detalye na ibinahagi si Sonza tungkol sa nakakagulat na balitang ito. Heto naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol dito:
āKahit pala mag-open ang dos parang mauubos na artista at nagsipagbuntisan na.ā
āOh noā¦ totoo pala talaga āyung chismis na silaā¦. Well goodluck nalang sa kanila.ā
āSi Gerald mukhang di magpapakasal āyan. Parang di pa sya handa or gusto magkapamilya. Sayang din Julia like her mother maaga pa.ā
āSana di si Julia magsisiā¦ Well, nobody felt sorry at the start. Itās always at the end.ā
āOMG! After all the denialsā¦ā
āAba congrats at nakakuha siya ng lahi ni Gerald. Well raised?ā
Bago ang rebelasyon ng umanoāy pagbubuntis na ito ni Julia, matatandaan na kamakailan lang ay mayroong kumalat na larawan ang dalawa habang nasa pribadong resort na pagmamay-ari ni Gerald.
Maliban dito, sa naganap din umanong panayam dati kay Julia sa programang āI Feel Uā ni Toni Gonzaga, mahahalata umano na nasa private resort ni Gerald ang aktres dahil sa pamilyar na background nito.
Ayon sa mga ulat, sekretong nagbakasyon umano doon ang dalawa na ibig sabihin ay patuloy pa at totoo ang namamagitan sa kanilang relasyon na kailanman ay hindi nila tuluyang kinumpirma.
Unang naiugnay ang dalawa sa isaāt-isa noong nakaraang taon nang itinuro na si Julia umano ang third party sa hiwalayang Gerald at Bea Alonzo. Ang naturang hiwalayan ay sinubaybayan ng publiko kung saan, umani ng kabi-kabilang pambabatikos si Gerald at Julia. Isang taon ang lumipas, mahigpit pa ring idinidiin ni Julia na walang namagitan sa kanila ni Gerald.
Ngunit, sa paglabas ng tsismis na ipinagbubuntis nito ang anak nila ni Gerald, matutuldukan na kaya ang matagal nang tanong tungkol sa tunay na relasyon ng dalawa?
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment