Tuesday, September 8, 2020

Liza Soberano, Naglabas ng Hinaing sa Twitter Tungkol sa Palpak na Serbisyo ng Kanyang Internet Provider


Isa na namang celebrity ang hindi na napigilang ilabas sa publiko ang kanilang hinaing tungkol sa palpak o mabagal na serbisyo ng kanilang Internet provider.

Nito lamang nakaraang mga araw, sa Twitter ay inihayag ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang pagkadismaya tungkol sa kanyang Internet Provider na Converge dahil umano sa mabagal nitong internet speed.

“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,” ani pa ni Liza.

Dito, ilang beses na tinawag ni Liza ang pansin ng naturang Internet Provider at hindi na-atubili na i-tag ang kanilang Official Twitter account. Dagdag pa ni Liza, kahit nung tawagan niya umano ang Converge ay hindi umano siya nito sinasagot.

“Can’t even answer the phone whenever we call. How unprofessional,” diretsagan pang saad ng aktres.


Agad naman na naging trending ang rant na ito ni Liza na sinuportahan din ng mga netizen na pareho ng aktres ay nakakaranas din umano ng mabagal na serbisyo ng naturang Internet provider.

Natutuwa ang mga ito dahil sa wakas ay mayroon umanong nagsalita para sa kanilang mga customers din ng naturang Internet provider. Ilan naman sa mga netizens na ito ang nagmungkahi kay Liza na magpalit na lamang umano ito ng Internet provider.

Sagot naman dito ni Liza, kahit umano gustuhin niya ay mayroon umano siyang kontrata sa Converge at ayaw niya rin umanong masayang pera na ipinambayad niya dito.

“I really want to but I have a 3 year contract with them sayang yung bayad. My money doesn’t grow on trees I work hard for it,” ani pa ni Liza.



Dahil marahil sa pagiging trending ng Twitter post na ito ni Liza ay sumagot dito ang Converge ilang oras lamang ang nakararaan matapos mag-post ng aktres. Ani nito kay Liza,

“Hi @lizasoberano, we have sent you a direct message. Kindly check your inbox. Thank you!”

Hindi naman maiwasan ng mga netizen na punahin ang Converge dahil umano sa agarang pagsagot nito dahil isang celebrity na ang nagereklamo sa kanila kumpara sa kanilang mga netizen na ordinaryong subscriber lamang nito.

Gayunpaman, nangingibabaw pa rin ang mga hinaing ng mga netizen na katulad ni Liza ay gusto rin na mas pagbutihin pa umano ng Converge ang kanilang serbisyo.

Heto pa ang ilan sa mga pahayag ng mga netizen tungkol sa naging rant na ito ni Liza sa Twitter:

“VIP ba? I hope ms @lizasoberano will be more vocal in order to represent all Converge subscribers who’s also having the same situation at the moment. Not just because she’s a celebrity but we all deserve the service what we pay for.”


“i’m so happy that someone with influence has finally said it. dapat pala liza levels ka bago sumagot ang @Converge_CSU”

“So much appreciation for Liza Soberano for using her platform to expose the ugliness of Converge's service.”

“Liza doing the favor on behalf of all converge users, i stan!!!!!!!”

“Oof wouldn't want to be Converge right about now haha imagine making Liza Soberano unhappy and having her tell her 4M followers about it.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment