Saturday, September 5, 2020

LOOK: Mga Premonisyon Umano ni Lloyd Cadena Bago Pumanaw!


Lubusang ikinagulat ng lahat ang biglaang pagpanaw ng isa sa pinakasikat na vlogger at isa rin sa mga unang nagpasimuno ng pagv-vlog sa bansa na si Lloyd Cadena.

Hindi halos makapaniwala ang publiko sa biglaang anunsyo ng pagpanaw ni Lloyd nito lamang hapon ng Biyernes, ika-4 ng Setyembre dahil hindi naman ito napabalita na nagkaroon ng malubhang karamdaman o nasangkot sa aksidente.

Sa ilan sa mga post ng mga netizen tungkol sa pagpanaw ni Lloyd, mayroong napansin ang mga ito na animo’y premonisyon umano ng vlogger bago ito pumanaw.

Sa huling vlog na ibinahagi ni Lloyd kung saan, nagbigay ito ng ‘update’ tungkol sa kanyang bahay na ipinapagawa, mayroong sinabi ang vlogger na umano’y senyales o premonisyon daw ng nalalapit nitong pagpanaw.


Saad dito ni Lloyd,

“Welcome to our laundry area!”

“Bongga, may hagdanan papuntang langit.”

Ayon sa mga netizen, ang inakala ng lahat na pabirong pahayag lamang na ito ng vlogger ay premonisyon na pala umano na ito’y sasakabilang buhay na.

Maliban dito, kamakailan lang sa social media ay nagbahagi rin ang isa ring vlogger at malapit na kaibigan ni Lloyd na si Kimpoy Feliciano ng screenshot ng naging pag-uusap umano nila ni Lloyd bago ito pumanaw.


Dito, nabanggit ni Lloyd na gusto umano nitong mag-aral maging dentista dahil ayon sa vlogger ay ito daw talaga ang pangarap niya noon pa man.

“Lloyd wanted to be a dentist after ECQ. Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako,” saad pa ni Kimpoy.

Ngunit, ayon sa mga netizen, ang sumunod na mga pahayag ni Lloyd ay tila nagpapahiwatig na rin umano ng nakatakdang mangyari sa kanya. Ayon kasi sa vlogger, mag-aaral umano uli ito kapag buhay pa siya pagkatapos ng quarantine.

“Aral tayo!! Mag eenroll ako if ever na buhay pa ako after this ecq…

“Maiksi lang ang buhay. Dapat gawin natin lahat ng gusto natin… Search for your purpose.

“Kaya kapag nabuhay pa ako after this corona. Mag dedentistry ako,” saad pa ni Lloyd kay Kimpoy.

Maliban dito, nang mabanggit naman ni Kimpoy kay Lloyd na gusto naman nitong maging piloto, isa rin umanong premonisyon na maituturing ang naging sagot niya sa kapwa vlogger. Ani kasi dito ni Lloyd,



“Goo. Ilipad mo ako sa langit.”

Kaya naman, dahil sa mga naging senyales at pahayag na ito ni Lloyd, naniniwala ang mga netizen na premonisyon umanong matatawag ang mga ito sa nakatakdang mangyari sa kanya.

Ang biglaang pagpanaw na ito ni Lloyd ay ipinagluluksa ngayon hindi lamang ng kanyang pamilya at kaibigan kundi pati na rin ng mga netizens at ng Youtube community. Hindi maikakaila na isa si Lloyd sa pinakamabait, pinakamasayahin, at pinaka matulunging vlogger na talaga namang hinahangaan ng marami.

Hindi makapaniwala ang publiko lalong lalo na ang mga vloggers na pumanaw na naman ang isa sa pinaka tinitingalang vlogger sa kanila at nagpasimuno nito sa bansa. Patuloy naman na bumubuhos sa pamilya at mga kaibigan ni Lloyd ang pakikiramay para sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Ilang linggo lamang ang nakakaraan, pumanaw din ang isang vlogger na maituturing din na pioneer ng vlogging sa bansa, si Emman Nimedez.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment