Sunday, September 6, 2020

Paghahanap ng Isang Misis sa Kanyang Mister na 10 Taon Nang Nawawala, Matutuldukan na nga ba?



Sampung taon nang hinahanap ni Ginang Jennifer Emnace mula Sagay, Negros Occidental ang kanyang mister na umano’y naanod matapos malunod ang sinasakyan nitong MV Shipper noong ika-pito ng Agosto, 2010.

Ang mister niyang ito ay ang seaman na si Normer. Ayon kay Jennifer, bago malunod ang barkong sinasakyan ng asawa ay nakatawag pa raw umano ito sa kanila. Kwento naman umano ng mga kasamahan ni Normer, naitali pa raw ng mga ito si Normer sa isang kahoy ngunit bigla na lamang itong nawala.

Kaya naman, dahil dito ay malaki ang paniniwala ni Jennifer at ng kanyang pamilya na buhay nga ang kanyang asawa.

Matapos ang sampung taon, nabuhay ulit ang paniniwalang ito ni Jennifer nang mabalitaan nito ang tungkol umano sa isang lalaki sa San Francisco, Southern Leyte na palaboy-laboy na lamang.



Ayon sa Facebook post ng isang Lisa Mike Corporal, apat na taon na umanong palaboy-laboy roon ang naturang lalaki at nagbabasaakli ito na mayroong itong kapamilya na nakakakilala pa rito.

Isang kumare umano ni Jennifer ang nakakita sa naturang post na kanya ring ipinakita sa kanya noon lamang ika-24 ng Agosto. Nang makita ang mga larawan ng naturang lalaki, malakas umano ang kutob ni Jennifer na ito nga ang kanyang asawa.

Sigurado umano ito na ang nasa naturang larawan ay si Norman kaya naman, agad nitong kinontak si Lisa upang makipag-ugnayan tungkol sa naturang lalaki.

Ayon kay Lisa, nakakaawa umano ang sitwasyon ng naturang lalaki sa kanilang lugar na madalas umano ay nagugutom lalo na’t walang nag-aabot dito ng pagkain.


Ayon kay Jennifer, ang kanyang asawa ay mayroon umanong peklat sa kanang kilay at mayroon din itong bukol sa paa. Tumugma naman ang lahat ng ito sa naturang lalaki kaya naman siguradong sigurado umano si Jennifer na ito na nga ang kanyang asawa.



Sa pamamagitan ng video call, nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni Jennifer ang naturang lalaki. Kinanta niya umano rito ang kanilang theme song na ‘I Swear’ by All-4-One at ganun na lamang ang gulat ni Jennifer nang kinanta rin ito ng naturang lalaki.

Kaya naman, hindi na umano nito napagilan pa na maiyak habang kausap ang naturang lalaki. Nang makita naman umano siya nitong umiiyak, naiyak din umano ang lalaking iyon na umano’y asawa nga ni Jennifer.

Nakausap din umano ng naturang lalaki ang ina ni Norman at ganun na lamang umano ang gulat nito nang tinawag siyang ‘mama’ ng naturang lalaki.

Dahil sa mga ito, sigurado na si Jennifer at ang apat nilang anak ni Norman na ito na nga ang kanyang nawawalang asawa.

Nakatakda na ngayong lumipad si Jennifer papuntang Southern Leyte upang makumpirma na ito na nga si Norman. Kasalukuyan ito ngayong nasa Montalban, Rizal upang iproseso sana ang death certificate ng asawa ngunit, dahil sa nangyari ay agad niya itong inihinto.


Hinihintay na lamang umano ni Jennifer ang kanyang travel pass at medical pass upang ganap na makapunta nang Southern Leyte ngayong Sabado.


Ayon naman sa pamilya nina Norman at Jennifer, sana nga raw ay ito na talaga si Norman dahil malaki ang paniniwala nila na hindi ito namatay at napadpad lamang sa ibang lugar.

Ganito rin ang dasal ng mga taong nakabasa ng kwentong ito ni Jennifer at ang kanyang paghahanap sa asawa nitong si Norman.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment