Sunday, September 6, 2020

Sarah Geronimo, Emosyonal na Ibinahagi kung Paano siya tinatrato ni Matteo Guidicelli bilang Asawa



Naging matagumpay ang naganap na pinakaunang music collaboration nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa ginanap nilang online concert nito lamang Linggo, ika-30 ng Agosto.

Ang naturang virtual concert na pinamagatang ‘Love, Landers’ ay napanood ng mahigit sa 60 000 tao online. Dito, nasaksihan ng mga tao ang pagiging sweet umano ng mag-asawa at ang kanilang natural na pagpapakilig sa isa’t-isa.

Sa isa sa mga bahagi ng mahigit sa isang oras na concert nina Sarah, naging emosyonal ang singer habang ibinabahagi sa publiko kung gaano umano ka-maalaga si Matteo bilang kanyang asawa.

Hindi na nga napigilan pa ni Sarah na maiyak nang isiwalat kung gaano umano siya ka-spoiled kay Matteo na sobra umano kung mag-alaga sa singer.

“Alam niyo po, ano eh. Spoiled ako dito kay Matt kasi, ‘yung babae kasi ang role is siya ‘yung nagluluto all the time, nag-aasikaso sa asawang lalaki. Pero, baliktad sa amin…


“Siya ‘yung maasikaso talaga at nagluluto,” pagkukwento pa ni Sarah.

Ayon naman kay Matteo, ganoon din naman umano si Sarah sa kanya. Kahit sabihin umano ni Sarah na mas maalaga si Matteo ay nakikita rin naman umano ni Matteo kung gaano kabuti si Sarah bilang isang tao at asawa sa kanya.

“You know, love, don’t say that. Don’t say you don’t have efforts because like I said, every single day, I’m seeing you become and grow to become an incredible, independent woman and incredible wife,” ani naman ni Matteo..


Pagbabahagi pa nga ng aktor, sa tuwing natatanong umano ito kung paano ang buhay niya ngayong mayroon na siyang asawa, palagi umano niyang sinasabi kung gaano ito kapalad na si Sarah ang kanyang naging misis.

“Everybody always asks me, ‘how’s married life?’ and I always say, ‘I’m blessed to have the best wife’,” dagdag pa ni Matteo.


Kaya naman, bagama’t tingin ni Sarah ay ‘spoiled’ ito sa pag-aalaga at pagmamahal ni Matteo, nais iparating ng aktor na siya rin naman ay binibigyan ni Sarah ng sobrang pag-aalaga at pagmamahal.

“You cook. You take care of me very well,” pagbabahagi pang muli ng aktor tungkol kay Sarah.

Kaya naman, emosyonal na pinasalamatan ni Sarah ang asawa para sa ibinibigay umano nitong suporta sa kanya.

“Thank you, mahal. Thank you, also, ‘yung nga… for allowing me and pushing me to grow as a person. Thank you,” saad pa ni Sarah.

Maliban dito, nagbigay din ng pasasalamat sina Sarah sa kanilang mga pamilya para sa buong pagsuporta na ibinigay ng mga ito sa kanila. Ani pa ng singer,


“Our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab at sa lahat ng aking my dogs, I love you all so, so, so, so much.”

Dahil dito, hindi mapigilan ng mga manonood ng kanilang concert na kiligin hindi lamang dahil sa pagsasama ng dalawa kundi dahil na rin sa pagiging totoo umano ng mga ito at sa pagsuporta na ibinibigay nila sa isa’t-isa.


Ang mga makakalap na donasyon sa ginanap na online concert nina Matteo at Sarah ay mapupunta sa mga pagtulong at pagbibigay ng pagkain sa mga pamilya na lubusong apektado ng pandemya sa bansa.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment