Matapos makatanggap ng mga batikos dahil sa mga lumabas na paratang tungkol sa pagiging babaero umano nito, mayroon na namang panibagong kontrobersiya na ibinabato kay Joebert Lacia, ang viral na pulis na naitampok pa sa KMJS.
Kamakailan lang, dahil sa mala-koreanovela na lovestory nina Joebert at ng nobya nitong si Richelle Amorcilla, naging trending sa social media at naipalabas pa ang kanilang storya sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.
Bago kasi umalis upang madestino sa isang malayong probinsya si Joebert, hinabol ito ng kanyang nobya upang makipagkita rito sa wakas at sa unang pagkakataon.
Ngunit, sa social media ay mayroong isang grupo na umalma sa ginawang ito umano ni Joebert. Ayon sa grupong ito na mayroon umanong kinalaman sa mga militar at pulis, ang ginawa umano ni Joebert na pagbabahagi sa kanilang lokasyon habang sila’y nasa isang misyon ay isang malaking pagkakamali.
Kapag nagkataon kasi ay maaari pa raw itong maging dahilan ng pagkapahamak ng kanyang tropa lalo na at ibinahagi pa umano ni Joebert ang naturang pangyayari sa social media.
“Nakilala mo sa social media. Di mo pa nakadaupang palad, sinabihan mo ng exact location mo habang may mission kayo ng tropa mo.
“Pasalamat ka inosenteng babae ang dumating hindi ASG NPA, suicide bomber o RPG… Maliwanag may pananagutan dito na dapat ma review para sa kaligtasan ng tropa.
“‘Pag may mission--- concentrate. ‘Wag nang ipagkalat. Nasa internet na rin ang kalaban boy… ‘Wag nang hintaying may krimen pang mangyari bago i remind ang tropa. Better to be low profile than sorry. Daming buhay nadadamay,” ani pa ng grupo na ito tungkol sa ginawa ni Joebert.
Dagdag pa ng mga ito, dapat umanong paimbestigahan ang nangyaring ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga sundalo. Malinaw umano ang naging pagkakamali ng naturang pulis sa nangyari at kapag mas lalo pa itong napatunayan, maaari umano itong sampahan ng reklamo o maparushan.
“Dapat ma-review ito ng immediate superior nyo for putting the whole team in jeopardy,” ani pa nito.
Kaugnay ng naturang pangyayari, muling nagbigay ng babala ang grupong ito na huwag isaalang-alang ang kaligtasan ng mga tropa para lamang umano maging viral. Kaligtasan umano ng nakararami ang nakasalalay dito kaya dapat lang na iwasan at tandaang mabuti ng mga tropa ang kaligtasan para sa lahat.
Sa isang maling hakbang lang umano kasi ng mga ito, maaari itong magresulta sa isang hindi magandang pangyayari kung saan maraming buhay ang pwedeng madamay.
Heto ang babala na iniwan ng naturang grupo kaugnay ng nangyari sa viral na kwento ni Joebert:
“Wag ipaglandakan ang movements ng tropa para lang mag-viral. Di lang sarili mo ipinapahamak mo kundi buong tropa. Hanep ibinigay mo pa buong detalye/numero. Kung may VIP pang kasama at pain lang pala kausap mo, wala na finish na!
“Mag-ingat. Mas maging ligtas kesa mag ‘viral’!
“We are thankful everyone in the moving troops is safe. Maswerte ka walang disgrasyang nangyari, dahil ‘pag naging horror ang ending ng pa famous n’yo, maraming pamilya ang paluluhain n’yo at alam mo na ang kalalagyan n’yo.”
Source: dailytrendingfeed
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment