Saturday, September 26, 2020

Tatay na Nag-Barter ng Kanyang mga Manok Kapalit ng Cellphone Para sa Online Class ng mga Anak, Nabiktima ng Scam!


Kamakailan lang ay naging viral ang isang tatay na ito galing Naga City, Camarines Sur matapos nitong magpost online na iba-barter umano nito ang kanyang mga manok kapalit ng cellphone para sa kanyang mga anak.

Dahil walang sapat na perang pambili, ito ang naisipan ng 46 taong gulang na si tatay Rommel Enriquez upang kahit papaano ay mayroong magamit ang kanyang mga anak para sa kanilang online class.

Agad na naging viral ang Facebook post ni tatay Rommel tungkol dito kung saan, maraming mga netizen ang naghayag ng kagustuhan na tumulong kay tatay nang walang kapalit.

Ngunit, kamakailan lang ay nakakalungkot na ibinahagi ni tatay Rommel sa social media ang isang pangyayari na ito sa kanya. Naging biktima kasi si tatay Rommel ng isang scam at nasimot lahat ng pera niya sa kanyang Gcash account.

Ayon kay tatay Rommel, mayroon umanong tumawag at nagmessage sa kanya na nagsabing mayroon umano siyang matatanggap na cash aid o ayuda galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ngunit, imbes na makatanggap ng pera ay nasimot ang halagang Php 6500 na laman ng kanyang Gcash account.

“Meron tumawag at [nag-send ng] friend request [sa akin] tapos ayan na nangyari ubos ‘yung [lamang pera] ng GCash ko… ‘Yung benta ko po sa [mga rabbit] para ipambayad sa trabahador, inubos nila,” pagbabahagi pa ni tatay Rommel.


Sa naturang post nito, ibinahagi niya ang ilan sa mga screenshots ng pag-uusap nila ng naturang mga scammer. Dito, makikita na hiningan nila ng mga detalye si tatay Rommel gaya ng cellphone number nito, ilang mga personal na detalye, code, at ang kanyang 4-digit mobile personal identification number (MPIN).

Nagpakilala ang isa sa mga scammer na ito na umano’y isang care specialist para sa pagve-verify ng Gcash account ni tatay. Dahil dito kaya inakala ni tatay Rommel na hindi manloloko ang kanyang mga kausap.

Sinabihan pa siya ng isa sa mga ito na mayroon daw itong matatanggap na text ng halaga ng pera na matatanggap ni tatay Rommel at reference number daw nito ngunit, walang itong natanggap at naging biktima pa ng panloloko.

Nakatanggap man ng text, ito ay ang mga text ng mga transaksyon ng scammer na naglabas ng lahat ng pera ni tatay Rommel sa kanyang Gcash account. Mula sa halagang Php 150 hanggang Php 900, paulit ulit na naglabas ng pera ang scammer hanggang sa naubos na ang laman ng account ni tatay Rommel.


Marami naman sa mga netizen ang nalungkot sa balitang ito tungkol kay tatay Rommel kaya naman, sinubukan nilang tukuyin kung sinu-sino ang nasa likod ng naturang scam gamit ang mga numero nito na makikita sa mga ginawang transaksyon ng scammer.

Isa umano sa mga maaaring scammer ay ang isang Jenna Cortez na siyang lumabas sa pagsisiyasat ng mga netizen.

Dahil sa nangyaring ito kay tatay Rommel, sana raw ay matulungan ito na mahuli kung sinuman ang mga nanlokong ito sa kanya. Maliban dito, binigyan din ng payo ng mga netizen si tatay Rommel na huwag basta bastang ibahagi ang kanyang personal na mga impormasyon lalong lalo na ang kanyang MPIN at PIN number.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment