Sunday, September 27, 2020

Pamilyang Kukunan Sana ng Swab Test, Inaway at Sinugod ang Nars na Pumunta sa Kanila


Hindi nagustuhan at ikinagalit ng mga netizen ang inasta ng isang pamilya na ito sa Silang, Cavite kung saan, dinuro-duro at binulyawan nila ang isang frontliner na pumunta sa kanilang bahay upang kumuha sa kanila ng swab sample.

Sa naturang video ng pangyayari na kalat na kalat na ngayon sa social media, makikita ang pagmumura ng nanay ng pamilya habang animo’y nagwawala sa galit nito sa nurse na naroon.

Ayon sa ulat, mayroon umanong dalawang parte ng naturang pamilya na nagpositibo sa COVID-19 kaya kukunan din sana ng nurse ng swab test ang tatlong iba pang miyembro ng pamilya.

Ngunit, bago pa man ito mangyari ay makikita ang walang awat na pagsigaw ng isang babae sa nurse habang galit na galit ito. Dinuro-duro pa nito ang naturang frontliner na kalmadong nakatayo sa labas ng kanilang bahay.

Maging ang mga kasamang frontliner na umano’y taga-barangay ay hindi rin pinalampas ng naturang pamilya. Tumulong na ang mga ito na magpaliwanag at pakalmahin ang nasabing pamilya ngunit maging ang mga ito ay nakatanggap din ng pagbulyaw.

Ayon sa pamilya, hindi umano maayos ang pakikitungo sa kanila ng naturang nurse at hindi rin umano naibibigay ang kanilang mga pangangailangan bilang mayroong nagpositibo sa kanilang pamilya.

Kung titingnan, inilabas ng pamilyang ito ang lahat ng kanilang galit sa umano’y sistema o sa mga hakbang na dapat gawin umano para sa kanilang pamilya na mayroong COVID-19 positive. Kaya naman, hindi maawat ang naturang pamilya sa pagbulyaw at paglabas ng kanilang sama ng loob.

Sa naturang video, makikita pa ang ilang pagkakataon kung saan dinuro at tinanong nito ang nurse na frontliner kung ano umano ang medical expertise nito na animo’y hinahamon ng pamilya ang kaalaman nito. Minsan ay minura pa nila ang nurse na panay tanggap lamang sa mga sigaw na inaabot niya mula sa galit na pamilyang ito.


Bagama’t naiintindihan umano ng mga netizen ang galit ng pamilya na marahil ay resulta umano ng stress sa pagkakaroon ng COVID-19 ng dalawa sa kanila, hindi umano tama ang ginawa nila sa naturang nurse na kanilang inaway.

Kung may galit man umano ang mga ito sa pamamaraan ng gobyerno o nang sinuman na naatasan sa pangangasawa sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, hindi umano tama na isisi nila itong lahat sa nurse na iyon.

Mas lalong hindi tama na minura-mura pa nila ito, dinuro, at minaliit ang kanyang propesyon. Kung tutuusin, ginawa lamang umano ng frontliner ang kanyang dapat na gawin ngunit ganito pa ang inabot nito sa naturang pamilya.

Lahat umano ay mayroong hindi pagsang-ayon sa nangyayari ngayong kalituhan sa sistema ng pangangasiwa sa pandemya sa bansa ngunit, hindi tama na ilabas ng mga tao ang kanilang galit sa mga frontliner.

Ang mga nurse, kagaya ng nurse na binulyawan ng naturang pamilya, mga doktor, at iba pang nasa larangan ng medisina ang siya ngayong may pinakamalaking sakripisyo at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para lamang malabanan ang COVID-19.


Panoorin dito ang buong video ng naturang pangyayari at kayo na ang humusga:


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment