Nito lamang ika-24 ng Setyembre, na-hack umano ang YouTube Channel ng sikat na streamer at Mobile Legends player na si Akosi Dogie o Setsuna Ignacio sa totoong pangalan. Ang YouTube Channel nito ay mayroon lang namang mahigit sa 4.8 million subscribers.
“NA HACK PA NGA YT KO,” ang ani pa nga nito sa kanyang Facebook post.
Ayon sa ulat, nasa kalagitnaan umano ng isang livestream si Akosi Dogie nang bigla na lamang nag-loading ang kanyang account. Inakala ng streamer na bugs lamang umano ito ngunit, laking gulat na lamang nito nang mawala sa kanyang YouTube Channel ang kanyang mga videos.
Iniba na rin ang pangalan ng channel nito na ngayon ay mayroon nang pangalang ‘Live News’. Sa kasalukuyan nga ay nakalive ngayon sa YouTube ang umano’y ‘Live News’ na Youtube channel na mayroong mahigit sa 91,000 viewers.
“DI NA PO AKO SI DOGIE. AKO NA PO SI AKOSI NEWS CASTER !! TAENANG HACKER YAN,” ang dagdag pa ng streamer sa kanyang Facebook post.
Bagama’t burado na ang mga videos ni Akosi Dogie sa YouTube Channel niyang ito, nandoon pa rin naman ang mga ginawang playlist ng streamer at ang kanyang mga naging post dati kaya naman, sapat na umano itong ebidensya na ito nga ang na-hack na YouTube Channel ni Akosi Dogie.
Kung hindi man umano tuluyang naging burado ang mga in-upload na videos dito ni Akosi Dogie, maaaring naka-private na umano ang mga ito.
Ayon naman ng streamer sa kanyang Live Facebook video, wala umano siyang alam kung sino ang may gawa nito sa kanya. Hindi rin naman umano siya nagki-click ng iba’t-ibang website maliban sa kanyang Facebook, YouTube, at kanyang Gmail account kaya hindi niya alam kung paano ito nangyari sa kanya.
Nalungkot naman ang mga taga-suporta ng streamer sa nangyaring ito sa kanyang YouTube account. Ani ng mga ito, sayang umano ang naturang channel lalo na’t mahigit sa apat na milyon na ang subscribers nito.
Umaasa pa rin ang mga ito na maibalik sa streamer ang kanyang YouTube Channel. Dagdag pa ng mga ito, kahit nawala umano ang naturang channel ng streamer, nakasuporta pa rin umano sila rito.
Heto pa ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen sa pagkaka-hack ng YouTube Channel ni Akosi Dogie:
“Arat pag di naibalik ni boss dogs yt acc niya, unsubscribe tayo hahhaahahaahha tapos gawa nalang ng bago si boss dogs.”
“Kontrolado naman ng YouTube support kahit i delete pa nila mga vids ni boss Dogs . Aantay lang ng konti , ang hasel lng jan is ma dedelay uploading ng videos ni boss D . Pero 100% sure mababalik.”
“Awit. Nacontact niyo na Boss Dogs YT Support? Goodluck po sa pag retrieve.”
“Kahit anong mangyari Boss Dogs. Andyan parin kaming mga Solid supporters mo na mag susubscribe ulit. God bless.”
“Awit Naging news amp dapat kasuhan mga yan eh.”
Si Akosi Dogie ay isa sa pinakasikat na streamer at Mobile Legend player sa bansa na mayroong milyon-milyong views at subscribers sa YouTube. Taong 2005 pa noong unang gumawa ng video ang streamer sa YouTube.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment