Thursday, October 1, 2020

Gucci, Naglabas ng Pantalon na May Disenyong ‘Grass Stains’ sa Halagang Php 40,000!


Pangarap lamang para sa karamihan ang makabili at magkaroon ng mga bagay mula sa mga luxury brands tulad ng Louis Vuitton, Hermes, Chanel, at Gucci. Ngunit, para sa mga mayayaman, kahit anong mahal pa raw ng presyo ng mga ito, hangga’t kayang bilhin ay bibili sila ng mga ito.

Kaya naman, marami na naman ang napanganga sa presyo ng bagong produktong ito na inilabas ng luxury brand na ‘Gucci’. 

Ito ay isang pantalon na mayroong disenyong mala-mantsa ng damo, o ‘grass stains’, sa bandang tuhod na parte nito. Ang presyo nito ay naglalaro lang naman sa $773 o nakakalulang Php 40,000!

Tinawag ng Gucci ang produkto nilang ito na ‘eco washed organic denim pant’ na umano’y nagbibigay ng ilusyon na ang nagsusuot nito ay galing sa isang ‘outdoor adventure’. Parte ang produktong ito ng Fall Winter 2020 collection ng nasabing luxury brand.

Paglalarawan pa rito ng Gucci,

“Channelling the Fall Winter 2020 collection’s grunge vibe, this wide-leg denim pant is crafted from organic cotton specifically treated for a stained-like, distressed effect.

“Gucci explores new takes on the cult fabric, reinterpreting it with different designs and washing techniques that blur the line between vintage and contemporary.”

Para naman sa mga ordinaryong tao na napalula sa presyong ito ng naturang pantalon, hindi nila maiwasang magtanong kung bakit ganito kamahal ang naturang pantalon para sa disenyo nito na umano’y maihahalintulad sa mga suot na pantalon ng mga nagtatrabaho sa bukid o damuhan.


Biro pa ng ilan, kaya umano nilang ma-achieve ang naturang disensyo sa simpleng pagtatrabaho sa bukirin tulad ng pagtatanim. Sa ganitong paraan, hindi na umano nila kailangang gumastos pa ng pagkalaki-laking halaga para lamang dito.

Para sa mga ordinaryong tao na ito na maituturing na hindi handang bumili ng ganito kamahal na pantalon para sa naturang disenyo lamang, ang presyo umano nito ay kaya nang magbayad ng ilang buwan nilang renta at pagkain.

Maliban sa pantalon na ito, mayroon ding ini-ooffer na ‘eco washed organic denim overall’ ang Gucci na naglalaro naman ang halaga sa $1,094 o halos Php 50,000 lang naman.

Kaya naman, sa Twitter, hindi maiwasang pagpiyestahan ng mga netizen ang nakakalulang mga presyo na ito ng naturang pantalon mula Gucci. Nakakatawa ang mga naging reaksyon ng mga ito na hindi makapaniwala sa naturang presyo para sa nasabing disenyo ng mga pantalon.

Heto ang ilan sa ibinahaging opinyon ng mga netizen tungkol dito:

“Who's going to cop a 1200$ pair of Gucci grass stained pants? Lol what a joke.”

“#Gucci is selling grass stained pants.  I can go get grass stains on my pants for free.”

“Ooooh new Gucci Outfit lookin' fiiiiiine! Never knew that rolling around in the grass could increase my pants value by 900%.”

“Gucci tripping why tf would i want grass stains on my pants ??”


“Gucci released grass-stained jeans as part of their 2020 lineup.  At $750 a pair I think I can make my own. My fall lineup  will also include pumpkin spice stained pajama pants.  Any other stain recommendations?”

Source: UNILAD

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment