Thursday, October 1, 2020

Ion Perez, Idiniin na Hindi Pera ang Habol Niya sa kanyang Karelasyon na si Vice Ganda



Sa kabila ng halos dalawang taon na pagiging magkarelasyon nina Vice Ganda at Ion Perez, hindi pa rin nawawala ang mga taong may pagdududa sa tunay umanong intensyon ni Ion sa komedyante.

Isa sa pinakabigat na spekulasyon ng mga ito kay Ion ay ang paghahabol lamang umano nito sa pera ni Vice kaya ito nakipagrelasyon sa huli. Ngunit, minsan nang idiniin ni Ion na hindi ito totoo. 

“Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan niyo lang ako sa maghapon. Kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, magpapaalila ako sa inyo habang buhay,” paghahamon pa nga ni Ion sa mga ito.

“Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya. Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya,” muli pang pahayag ni Ion tungkol sa paratang sa kanya.

Kahit papaano ay kumikita na din naman ngayon si Ion sa showbiz at sapat na raw ito sa kanilang pamilya. Kaya naman, wala umanong dahilan si Ion para gawin ang ipinaparatang sa kanya ng publiko.

Maliban dito, mayroon ding iilan na nagdududa sa tunay na kasarian umano ni Ion dahil sa pakikipagrelasyon daw nito kay Vice. Ngunit, giit ni Ion tungkol dito, 

“Hindi po. Sobrang straight po ako. Nagkataon lang na na-in love ako sa isang bakla.”

Sa isang panayam, naikwento din ni Ion ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Vice at kung paanong hindi niya inaasahan na mahuhulog siya dito. Noong una umano kasi ay wala siyang naramdaman para rito maliban sa pakikipagkaibigan. 


Pagkukuwento pa nga ni Ion,

“Wala pa po akong naramdaman, pero parang lagi ko siyang gustong [pakinggan] habang nagsasalita siya, lagi ko siyang tinitingnan. Gustung-gusto ko siyang tinitingnan…

“Sobra talagang nakaka-touch, sobrang maaano ka talaga sa kanya… nakakaawa na, yun nga, pinaglalaruan siya… Nung wala pa ako sa Showtime pinapanood ko pa lang ‘yan si Vice, parang pag umiiyak siya, parang ang sakit.

“Parang nararamdaman mo rin yung mga sinasabi niya, na parang ramdam mo siya. Kasi, oo nga, lagi niyang sinasabi hanggang kelan siya magiging clown, parang pinaglalaruan siya, pinagsasamantalahan siya…”

Kaya naman, hindi niya rin umano masisi ang kanyang sarili nang tuluyang na ngang nahulog ang loob nito kay Vice. 

“Hindi ko rin naman iniisip na darating kami sa ganito. Basta sabi ko lang sa kanya, maging kaibigan ko lang si Vice, maging kaibigan lang talaga… 

“Pero di ko din talaga in-expect na darating kami sa ganito, kasi hindi ko rin naman masisisi din ang sarili ko… sobrang bait ni Vice. Hindi mo rin ako masisisi ba’t ako na-in love sa kanya, kasi sobrang bait niya talaga,” saad pa ni Ion.


Sa isang mensahe para sa kanyang girlfriend, idiniin din ni Ion kung gaano niya ito kamahal at sinabing hinding-hindi umano nito sasaktan ang kanyang damdamin, o hayaan ang iba na saktan ito. Lagi lamang umanong tatandaan ni Vice na nandiyan lamang si Ion na mahal na mahal siya.

Source: biztalkph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment