Wednesday, October 14, 2020

Isang Mag-aaral, Ipinagmamalaki ang Tatay na Magsasaka na Nagpapa-aral sa Kanya

Lahat ay gagawin ng isang magulang, mapaaral lamang at mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak. Kaya naman, nararapat lamang na ipagmalaki ng kanilang mga anak ang kanilang pagsisikap.

Kagaya na lamang ng isang estudyante na ito sa kolehiyo mula Ilo-ilo. Sa kanyang pagtatapos ng high school, hindi nag-atubili si Ela Sullano na ihayag ang pasasalamat sa kanyang tatay na isang magsasaka para sa pagpapaaral nito sa kanya.

“Nakapagtapos ako dahil sa dugo’t pawis ng aking ama… #ProudDaghterOfAFarmer,” ang ani pa nga ni Ella sa isang Facebook post.

Sa ngayon, si Ela ay nasa kanyang unang taon na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Accountancy. Gaya ng pagisisikap ng kanyang ama, nagsisikap din ang mag-aaral para matupad ang pangarap sa kanya ng kanyang tatay at pamilya na makapagtapos ito ng pag-aaral.

Ikinatuwa naman ng maraming mga netizen ang pagpapasalamat na ito ni Ela sa pagsisikap ng kanyang tatay. Natutuwa ang mga ito na makitang pinapahalagahan ng isang anak ang pagod na ginagawa ng isang ama, maitaguyod at mapag-aral lamang ang kanyang mga anak.

Ani naman ng mga netizen, maswerte umano ang naturang mag-aaral dahil nabiyayaan ito ng isang mapagmahal na ama na gagawin ang lahat para sa kanyang ikabubuti. Kaya naman, nararapat lamang na huwag nitong sayangin ang lahat ng pagsisikap at sakripisyo ng kanyang ama.

Sa kasalukuyang kondisyon ngayon ng mga magsasaka sa ating bansa, nakakatuwa raw makakita na kahit paano ay mayroong mabuting bunga ang pagsisikap ng mga ito sa bukid. Nakakatuwa raw makabasa ng ganitong mga kwento kung saan, unti-unting nabibigyan ng katuparan ang simpleng pangarap ng mga masisipag na magsasaka.

Si tatay ay isang magandang halimbawa ng isang ama na nagmamahal sa kanyang anak nang walang anumang hinihintay na kapalit at ang kagustuhan lamang ay mabigyang katuparan ang pangarap ng anak.

Sana raw ay tuluyang makapagtapos sa pag-aaral ang anak na ito ni tatay at matupad ang pinaka pinapangarap nito. Maswerte din umano si tatay sa kanyang anak dahil wala itong pagdadalawang isip na ipagsigawan kung gaano ito kaproud sa kanyang ama.

Sana raw lahat ng mga mag-aaral ay katulad ni Ela na marunong magpahalaga sa pagkakataon na ibinigay upang makamit nito ang kanyang pangarap. Sa pagtatapos nito, sana raw ay maiparanas nito kay tatay ang buhay na kahit paano ay komportable bilang sukli sa mga taon ng pagsisikap nito.

Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen tungkol sa nakakaantig at nakakatuwang pahayag na ito ni Ela para sa kanyang ama:

“Ako lang ba ‘yung sa tuwing ganito yung balita, may parang bumabara sa dibdib at lalamunan ko tapos naiiyak ako sa sobrang saya. Nakaka proud.”

“Mas masarap at meaningful ang nakatapos na mahihirap kaysa mayayaman.”

“Napakaganda ng puso mo, Ne. Naway di magbabago ugali mo hanggang makatapos ka ng accountancy. Bilib ako sa respeto, pagmamahal, at pagpapahalaga mo sa mga sakripisyo ng tatay mo para matapos mo ang high school. God bless you.”

“Maswerte si Tatay na mabait ang anak  niya. Marunong magpahalaga sa mga sakripisyo ng magulang para sa kanyang magandang kinabukasan. Keep up the good work, hija.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment