Monday, October 12, 2020

Sikat na Aktor noong 90's, Magkakaroon na ng Anak sa Kanyang Partner; Kilalanin!


Nito lamang Linggo, ika-20 ng Oktubre, inanunsyo nina Romnick Sarmenta at girlfriend nitong si Barbara Ruaro na magkakaroon na sila ng anak.

Sa Instagram, nagbahagi ang aktor ng larawan ng pregnancy test result ni Barbara. Ani dito ni Romnick,

“I B A… Infinitely Blessed with Your Affirmation. Iba Ka Panginoon, maraming salamat Po.”

Ibinahagi rin ni Barbara ang parehong anunsyo sa kanyang Instagram account. Base sa kanyang post, nakatakdang itong manganak sa Pebrero ng susunod na taon. Pinasalamatan din dito ng indie actress ang partner at iba pang mahal sa buhay na sumuporta sa kanila ng aktor.

“Thank You, dear God, for the gift of life! The cross that appeared on my test and this miracle as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation. 

“I praise and thank You for my Nicko, as well as all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support. See you on February, Little Bean,” caption pa rito ni Barbara.

Agad naman na nagpaabot ng pagbati para sa dalawa ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Bagama’t matagal nang mayroong spekulasyon ang publiko sa relasyon ni Romnick kay Barbara, nito lamang buwan ng Hunyo nang tuluyan itong kinumpirma ng aktor.


Bago ito, nagkaroon ng limang anak ang aktor sa dati nitong asawa na si Harlene Bautista. Tuluyang naghiwalay ang dalawa noon pang 2018, matapos ang mahigit 19 na taon ng pagigng mag-asawa.

Sa isang open letter na minsan nitong ibinahagi sa publiko, inihayag dito ni Romnick na walang ‘third party’ na nangyari sa kanilang hiwalayan. Gayunpaman, parehong hindi nagsalita sina Romnick at Harlene sa totoong rason ng kanilang paghihiwalay.

Inihayag din dito ni Romnick na poprotektahan niya ang kanyang mga anak mula sa publiko na mayroong iba’t-ibang opinyon sa hiwalayan nila ng dati niyang asawa. Humingi rin ito ng pabor sa publiko na bigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng pribadong buhay. Hindi lamang umano ito para sa kanila kundi para na rin daw sa iba pang mga artista. 

Kinumpirma din dito ni Ronmick ang tungkol sa isang espesyal na babae sa kanyang buhay bagama’t hindi niya ito pinangalanan dito. Ngunit, dahil daw sa pagkakadawit ng pangalan ng naturang babae sa kanya, inaatake ito ng mga walang kabuluhang akusasyon. At nais ni Romnick na matigil na ito.

Sa kabilang bansa, sa isang panayam ng pep.ph kay Barbara, naibahagi nito ang kanilang pagkakakilala ng boyfriend na si Romnick.

Ayon kay Barbara, nagkakilala umano sila ng aktor sa set ng romantic series na ‘Past, Present Perfect’ nina Loisa Andalio at Shaina Magdayao noong 2019. Pagkukwento pa ni Barbara tungkol sa pagkabuo ng kanilang relasyon,

“Hindi kami nagmadali. We took our time in the getting-to-know phase. It was organic and free from any selfish agenda. It took awhile for that friendship to evolve into something romantic. It had its own challenges… 


“We felt love for each other early on, but it was the most straightforward kind of love. Hindi ko masasabing purely platonic lang siya o romantic kaagad… One day, nung pareho na kaming handa, we took a leap of faith and just decided to be together. We've been inseparable ever since.”

Source: mostrendingph


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment