Monday, October 12, 2020

Mga Security Guard sa Isang Mall, Pinagsasapak ng Lasing na Foreigner


Ikinagalit ng maraming netizen ang ginawang ito ng isang foreigner sa dalawang security guard ng isang mall na kanyang pinagsasapak.

Sa naturang viral video, makikita ang isang foreigner na nilapitan ang isang gwardya at walang takot itong itinulak. Dinuro-duro niya pa ito bago balikan at tuluyang sinapak. 

Hanggang sa lumapit na rito ang iba pang mga security guard ngunit hindi man lang nasindak ang naturang banyaga. Tila naghahamon pa nga ito habang panay naman ang atras ng isang security guard. 

Sa sumunod na mga pangyayari, makikita na higit pa sa isang security guard ang muli nitong sinapak bago lumakad. Dito, halatang halata ang kalasingan ng foreigner habang dinudumog ang isang barikada.

Dito na sabay na lumapit ang limang security guard at pinusasan ang foreigner. Ngunit, kahit sa dami ng pumipigil dito ay pumalag pa rin ang foreigner hanggang sa mahiga ito sa sahig. Sa kabila nito, hindi ginantihan ng mga security guard ang naturang foreigner sa kabila ng ani ng mga tao sa paligid na bugbugin na lamang daw nila ang naturang banyaga.

Bagama’t halatang nagtitimpi lamang ang nasabing mga security guard, hindi nito itinutuloy ang paghampas sa lasing na banyaga na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. 

Dismayado naman ang maraming mga netizen sa inasta ng naturang dayuhan at sa pananakit nito sa mga security guard. Dapat raw na maturuan ng leksyon ang naturang foreigner na irespeto ang ating bansa hangga’t nandidito siya. 


Ayon naman sa mga netizen na nakapanood ng naturang video, maliban sa galit ang mga ito dahil sa pag-uugali ng naturang foreigner, hindi rin maintindihan ng mga ito kung bakit hindi umano gumani ang mga security guard na una nitong sinapak.


Sana raw ay ginantihan ng mga ito ang banyaga dahil ito naman ang naunang manakit sa mga ito ng pisikal. Hindi umano tama na pumayag lamang ang mga ito na api-apihin sa sariling bansa. Ipinakita umano dapat ng mga ito ang kanilang tapang na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Ipinaglaban daw dapat ng naturang mga sekyu ang kanilang karapatan dahil nandito sila sa sariling bansa. Ito umano ang dahilan kung bakit kadalasan ay ang liit ng tingin ng ilang mga dayuhan sa mga Pilipino.

“Bakit di siya lumaban. Pwede mo na siya pisikalin kasi nauna na siyang manakit. Diba dapat lumaban ka kasi mali na ginagawa sayo. Kaya tayo inaabuso eh. Kahit dito sa bansa natin tayo pa kinakawawa,” saad pa nga ng isang netizen tungkol dito.

Ngunit, pagtatanggol naman ng iba, alam umano kasi ng naturang mga security guard kung ano ang kanilang mga patakaran at sinusunod lamang nila ito. Nag-iingat lang din daw ang mga ito sa posibleng mangyari sa kanilang trabaho kapag pinatulan na ang naturang dayuhan.

Nakakalungkot lamang umanong isipin na kapag ang mga Pilipino ang napupunta sa ibang bansa, malaki ang ibinigay nilang respeto sa mga mamamayan nito. Ngunit, sa tuwing mga banyaga ang nagpupunta sa Pilipinas, kadalasan sa nangyayari ay hindi nagbibigay ng respeto ang mga ito sa mga Pilipino.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment