Nagsalita na sa wakas ang kontrobersyal na komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada, tungkol sa mga mabibigat na alegasyong ibinabato sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.
Dito, mariing itinanggi ni Tekla ang mga ipinaparatang sa kanya ni Michelle na mga sensitibong bagay. Ayon kay Tekla, hindi niya umano magagawa ang mga alegasyong ito ni Michelle lalong lalo na sa kanilang anak.
“Hindi totoo ’yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae ... Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” ani pa ni Tekla.
Itinanggi nito na ginugutom niya ang live-in partner at hindi siya nagbibigay ng suporta rito tulad ng pagbibigay ng pambili ng pagkain. Emosyonal pang paghahayag dito ni Tekla,
“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic.”
Ayon kay Tekla, sana raw ay pinag-isipan muna ni Michelle ang ginawa nito na pagbubunyag ng naturang mga sensitibong bagay. Bukod sa wala raw itong katotohanan, pinag-isipan daw sana nito ang mga maaapektuhan o magiging epekto nito sa kanila.
“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle ‘yan, usapin ng pamilya ‘yan. Isang napakasensitibong usapin ‘yan Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan,” ani pa ulit ni Tekla.
“Parte ng pagsasama natin ‘yan Michelle na ipinagkakait mo sa akin. Ginawa mo akong tanga at timawa d’yan. ‘Yun ang totoo pero anong ginagawa ko Michelle, naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh,” dagdag pa ng komedyante.
Dagdag pagbabahagi pa ni Tekla, wala ring katotohanan ang mga alegasyon nito na ginagawa niya sa kanilang anak at na wala siyang pakialam dito. Ani kay Tekla, alam daw nilang dalawa ni Michelle kung ano ang ginawa ng huli kaya nagkaroon ng sakit ang kanilang anak na siyang inihingi rati ng tulong ng komedyante para sa pagpapagamot.
“Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas iyang batang ‘yan dahil hindi mo inalagaan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle,” may diin pang pahayag ni Tekla.
Tumanggap ng kabi-kabilang pamababatikos mula sa publiko si Tekla matapos na lumapit sa programa ni Tulfo si Michelle upang umano’y ireklamo ang komedyante tungkol sa mga sensitibong bagay na ginawa nito pati na rin ang hindi nito pagbibigay ng pinansyal na suporta.
Ngunit, sa ikalawang beses na pagpunta nito sa programa, hindi man humarap si Tekla ay humarap dito ang kanyang mga kaibigan na sina Donita Nose at Ogie Diaz pati na rin ang kanyang manager.
Dito, ibinunyag nila na gawa-gawa lamang ni Michelle ang reklamo at pinlano nito ang video na kanyang ginawang ebidensya sa programa. Dagdag pa ng mga ito, gumagamit daw ng ipinagbabawal na dr*ga si Michelle na siyang dahilan kung bakit noon pa man ay pinapayuhan na nila si Tekla na hiwalayan ito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment