Wednesday, November 18, 2020

Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, Nagreact sa Isyu na Nagkakamabutihan na Daw Sila


Ginawa na lamang biro nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang mga ulat na naglilink sa kanilang dalawa at sinasabing mayroon daw nabubuong pagkakamabutihan sa pagitan nila.

Ito ay matapos lumabas ang isyu na nagkakaroon na daw ng pagtingin sa isa’t-isa sina Zanjoe at Angelica dahil magkatambal ang mga ito sa kanilang ongoing na teleseryeng ‘Walang Hanggang Paalam’ sa ABS-CBN.

Naging tumpulan din kasi ng tukso ng kanyang mga kaibigan si Angelica noong huli nitong kaarawan. Dito, panay ang pagbanggit ng kanyang mga kaibigan tungkol sa tao daw nagpapasaya ngayon sa aktres.

Inihayag pa nga mismo ng kaibigan nitong si Glaiza de Castro na mayroon na ngang nag-aalaga sa kaibigan. Ngunit, hindi naman pingalanan ng nga ito kung sinong lalaki ang kanilang tinutukoy.

Maliban dito, mas lumakas pa ang paghihinala na mayroong namamagitan sa kanila ni Zanjoe dahil sa ibinahaging Instagram post ng beterang showbiz columnist na si Lolit Solis. Dito, isinaad ni Lolit na baka dahil daw sa matagal na pagsasama ng dalawa sa lockdown taping kanilang programa kaya mayroong na-debelop sa mga ito.

“Meron pala na develop kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa lock in. Siguro nga dahil halos magkasama kayo sa loob ng 2 linggo or more, you get to know iyon mga kasama mo sa close range…

“About time na nga siguro magkaruon ng lovelife si Angelica para hindi kung anuanong issues ang sinasalihan, at mukhang kalmado naman BF si Zanjoe kung sakali para maging good influence sa kanya. New romance, give it a good try, sana yumabong at lumago, para magtagal,” makahulugang saad pa ni Lolit.


Ngunit, mukhang tinawanan lamang nina Angelica at Zanjoe ang mga pag-uugnay na ito sa kanilang dalawa. Sa Instagram, ginawang biro lamang nina Angelica ang tungkol dito at nagbahagi pa ng mga larawan nilang dalawa na may kasamang nakakatawang caption.

Sa isang Instagram story, kasama ang larawan ni Zanjoe sakay ng kotse ay isinaad nito na sinusundo na raw siya ng kanyang ‘rumored boyfriend’.

Sa kabilang banda, nagbahagi naman si Zanjoe ng larawan nilang dalawa na mayroong pabirong caption tungkol pa rin sa paglilink sa kanilang dalawa.

“Pa like naman, para may heart sa gitna. #rumoredboyfriend,” ani pa rito ni Zanjoe.

Marami naman ang natawa sa pagpapasaring na ito nina Zanjoe sa isyu tungkol sa kanila ni Angelica. Gayunpaman, mayroon pa ring iilan na sinasabing bagay naman daw kasi ang dalawa kung mangyaring totohanin ng mga ito ang tsismis.

Saad pa nga ng ilang mga netizen:

“Sana tootanin na kasi…”

“Baka mahipan kayo ng hangin at magkatotoo!”

“Why not make it true? You are both available.”

“Team alphabet po kayo. pinaglayo man pero ipagsasama. A&Z pede rin A2Z HAHAHAHHAHA.”


Bagama’t single ngayon si Angelica, huling naibalitang may karelasyon ngayon si Zanjoe at ito ay ang Filipina-Australian model na si Josie Predergast.

Bago ang ‘Walang Hanggang Paalam’, dati na ring nagtambal sina Zanjoe at Angelica sa programang ‘Playhouse’ at ilang bese na nagsama sa ilan pang mga proyekto sa pelikula at telebisyon.

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment