Wednesday, November 18, 2020

Foreigner, Nakatira Lamang sa Isang Barong-barong Matapos Daw Iwan ng Karelasyong Pinay


Kaawa-awa ang sitwasyon ngayon ng foreigner o banyagang ito sa isang viral na Facebook post kung saan, makikita ang matandang foreigner na nakatira lamang sa isang maliit at tagpi-tagping bahay.

Base sa mga larawang ibinahagi ng naturang Facebook post, dahil sa barong-barong lamang ang bahay na ito ng dayuhan ay hindi halos nito mapagkasya ang buong katawan sa loob. Pahirapan ang paghiga nito sa kanyang higaan na isa lamang maliit at lumang kama.

Maliban sa kama, ilang mga kahon at isang lalagyan ng tubig lamang ang nagkasya sa loob ng tinitirhan ng foreigner. Hirap itong gumalaw sa loob at hindi nito kayang tumayo sa loob dahil sa liit nito.

Ang post na ito tungkol sa naturang foreigner ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Solyn Calderon. Gayunpaman, walang ibang detalye na isinaad tungkol sa tunay na kondisyon o kalagayan ng foreigner.

Ayon sa mga ulat, mag-isa lamang ang foreigner na nakatira sa naturang barong-barong. Base sa mga larawan, mayroon itong maliit na lutuang kalan de uling sa labas ng kanyang maliit na bahay ngunit, wala na raw makain at wala na rin itong pera.

Dagdag teorya pa nga ng iba, mukhang iniwan daw ang foreigner ng kanyang karelasyon na Pinay matapos siya nitong huthutan ng pera hanggang sa wala na itong maibigay. Ito raw marahil ang dahilan kaya ganito na ang kondisyon ngayon ng nasabing foreigner.


Kaya naman, maraming mga netizen ang hindi napigilang ihayag ang kanilang awa para sa dayuhan. Dasal ng mga ito na sana raw ay mayroong tumulong sa sitwasyon ngayon ng foreigner at maipaabot ang kanyang kalagayan sa kanyang mga kamag-anak kung saang bansa man ito galing.

Mas mabuti din daw sana na makauwi na sa bansa nito ang foreigner at nang bumuti na ang kalagayan nito. Hiling at dasal na lamang ng mga netizen na mayroong mabuting loob na mag-abot ng tulong sa matandang dayuhan.

Nakakalungkot mang isipin, dumarami na ang kaso ng mga dayuhan na naghihirap sa bansa o palaboy laboy na lamang sa daan matapos na lokohin ang mga ito ng kanilang nakarelasyong mga Pinay at iwan sila na wala nang pera.

Dahil sa ginagawang ito ng ilang Pinay kaya nababahiran ang reputasyon ng mga Pinay sa kabuuan. Bagama’t maraming mga kaso ng ganito sa bansa, mas nangingibabaw pa rin naman ang mga mabubuting Pinay na tunay na mahal ang kanilang mga asawang dayuhan.

Ngunit, dahil nga sa mga kasong ito, nabibigyan ng maling kaisipan ang mga banyaga sa ibang bansa na ang habol lamang ng mga Pinay sa kanila ay pera at maayos na buhay. Isa itong malaking pagkakamali kaya naman, hiling ng marami na matigil na ang panlolokong ito sa mga banyaga dahil hindi naman lahat ng Pinay ay nanlalamang.


Mas marami pa rin ang mga Pilipino na handang tumulong kahit sa ibang lahi. Masa marami pa rin naman ang mga Pilipino o Pinay na tapat na nagmamahal sa kanilang mga asawang banyaga. Hindi dapat na nilalahat ang mga ito dahil lamang pa rin naman ang mga mabubuting Pinay.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment