Thursday, November 19, 2020

Ellen Adarna, Balik Showbiz na nga Ba? Magaling na Aktor, Bago Nitong Makakatambal


Bagama’t marami ang nagulat, mas marami naman ang natuwa sa balitang magbabalik telebisyon na ang aktres na si Ellen Adarna matapos ang mahigit sa dalawang taong pamamahinga mula sa industriya.

Ito ay matapos ianunsyo ang baging proyekto ni Ellen na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon. Katambal daw nito sa bagong proyekto ang aktor na si John Estrada na siyang kumumbinse sa aktres na tanggapin ang proyekto. 

Magiging magkatambal ang dalawa sa sitcom na ‘John En Ellen’ na umano’y kumuha ng inspirasyon sa tanyag na ‘John En Marsha’ sitcom ng yumaong comedy King Dolphy at aktres na si Nida Blanca.

Ayon sa ulat, nagustuhan daw ni Ellen ang proyekto kaya nang kumbinsihin ito ni John tungkol dito ay agad na um-oo ang aktres. Maliban kay John, makakasama din ni Ellen sa nasabing sitcom sina Long Mejia, Laboching, Ronaldo Valdez, at Angelina Cruz na panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Nakatakda raw na ipalabas ang ‘John En Ellen’ sa darating na 2021 sa TV5. Tinatayang maipapalabas na ito sa January 17, 2021. Gaya ng ginagawa ng maraming mga programa ngayon, magkakaroon din ng lockdown taping ang sitcom na magsisimula naman sa Januray 5, 2021 sa Antipolo City.

Magiging direktor naman nito si Willy Cuevas na siyang nagsulat ng kwento ng sitcom kasama si Bong Sta. Maria, ang creator ng sitcom at executive ng MVP group.

“Ang saya ng storycon… Tawanan nang tawanan kami. Excited silang lahat sa show!” pagkukwento pa nga ng direktor tungkol sa programa.


Ayon sa kwento ng ‘John En Ellen’, ang gagampanan ni Ellen ay isang anak ng mayamang negosyante na kalaunan ay nakipagrelasyon sa karakter ni John. Ngunit, dahil tutol sa kanila ng mga magulang ni Ellen ay nagdesisyon ang dalawa na magtanan.


Hanggang sa muli silang bumalik sa poder ng mga magulang ni Ellen at dito, sa mansyon nina Ellen ay dadanas ng mga hindi maganda si John. 

Ang nakatakdang pagbalik na ito ni Ellen sa showbiz ay kasalungat ng minsan nitong pahayag na hindi muna ito babalik sa industriya sa loob ng pitong taon. Sa isang panayam dito rati, gusto raw ni Ellen alagaan ang kanyang anak at ipagpaliban muna ang pagbalik sa showbiz.

“In showbiz? No. No… I don’t wanna say, like, forever, right? But, definitely, not in the next seven years...

“I want to be with my son in his formative years, which is the first seven years. I’m a very hands-on mom, like, really…,” minsan pang saad ni Ellen.

Kasama ang aktor at dati nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz, magkasabay na nagpahinga mula sa showbiz sina Ellen mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Pinag-usapan ng marami ang desisyong ito ng dalawa na gumulat sa marami. 


Naging malaking balita rin kasunod nito ang pagbubuntis ni Ellen na hindi nila direktahang kinumpirma. Nagkaroon ng isang anak ang dalawa, si Elias. 

Kaya naman, kahit hiwalay na ngayon sina Ellen at John Lloyd ay nagkakasundo naman daw ang mga ito sa pagpapalaki sa kanilang anak. Gaya ni Ellen, bali-balita rin ang nakatakdang pagbabalik showbiz ni John Lloyd.

Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment