Nauuso na ngayon sa mga ikakasal ang pagkakaroon ng prenup shoot. Kadalasan, hindi na lamang tipikal na prenup shoot ang ginagawa dahil kanya-kanya na rin ng tema at pagiging malikhain ang mga ito para maging kakaiba ang kanilang prenup photos.
Kamakailan lang, trending sa social media ang prenup shoot ng ikakasal na ito mula Cebu dahil ang sikat na netflix series na ‘Money Heist’ lang naman ang kanilang naging tema.
Ibang klase ang prenup na ito ng dalawa na kinagiliwan ng maraming mga netizen na tagapanood din ng nasabing netflix series. Ayon sa ulat, ang mag-fiance na sina Inez Quial at Niño Roilo ay paboritong panoorin ang Money Heist kaya ito ang napili nilang tema.
Tugma din daw kasi ang konseptong ito sa kanila dahil, ayon kay Niño ay maituturing daw nila ang isa’t-isa na ‘partner in crimes’ lalong lalo na sa panahon ng mga pagsubok.
“We want us to portray na even in perilous time, we got each other’s back and we will always protect each other. We are partners in crime,” ani pa nito.
Kuhang-kuha nila ang iconic na costume ng mga bida sa nasabing netflix series na pulang jumpsuits at maging ang kanilang suot na mga mask. Maging ang sikat na eksena ng paghagis ng pera ay kuhang-kuha din sa prenup shoot ng mag-fiance.
Ang mga larawang ito ng dalawa ay kinunan sa tanyag na Temple of Leah sa Cebu City. Ito ang nagmistulang Bank of Spain sa Money Heist. Kinunan naman ang mga ito ng photographer na si Hafid Caballes at ng PIDOGRAPHY team.
Kamangha-mangha ang pagkuha sa mga larawan ng dalaw na animo’y mula talaga sa netflix series na Money Heist. Nakunan ang naturang mga larawan nito lamang ika-9 ng Nobyembre. Nang maibahagi ito sa social media, agad nagtrending ang mga larawan na talaga namang ikinamangha ng marami.
Para naman sa photographer ng naturang prenup shoot, upang makuha ang konsepto ng netflix series ay nagsaliksik ito tungkol dito at nakatulong din na napanood niya mismo ang Money Heist.
Sa isang panayam dito ng Cosmopolitan, ibinahagi ni Hafid ang kanilang naging karanasan habang kinukunan ang magfiance para sa kanilang prenup shoot. Pagbabahagi nito,
“At first, I was anxious if we could pull off—and give justice to—the concept considering that the couple were not actors and were working in a field far from the acting/modeling industry. However, as we began shooting, the couple were both very cooperative and into what we were doing.
“This made work enjoyable and effortless. I could really see that they were enjoying posing and reenacting the different scenes from the series.”
Nang matanong naman kung anong larawan galing sa prenup shoot ang kanyang pinakapaborito, ani nito,
“My favorite photo was the one shot in front of the building with money flying around the couple. It is my favorite shot as it depicts victory. It also captured the couple's raw emotion of their success. Another reason [is that] the building's appearance looked a lot like the one in the series. So in one picture, the whole concept of the shoot was summarized.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment