Kontrobersyal ang huling relasyon na kinasangkutan ng vlogger na si Makagwapo o Christian Merck Grey na umabot pa nga sa paghaharap nila sa programa ni Raffy Tulfo. Ito ay matapos na ilahad ng dati nitong fiance at vlogger din na si Caffey Namindang o Makaganda ang umano’y totoong pag-uugali ni Merck.
Gayunpaman, sa kabila ng nangyaring hidwaan sa pagitan ng dalawa ay naayos na rin ito ngunit, base sa huli nilang pagharap sa programa ni Tulfo ay tuluyan na silang naghiwalay.
Kaya naman, mahigit isang buwan mula nang pag-usapan ang dalawa dahil nga sa naturang kontrobersiya, sa kanyang YouTube channel ay tila naghahanap na ng bagong karelasyon ngayon si Merck. Ayon sa kanyang vlog, sa kabila ng pinagdaanan ay mahalaga din na bumangon at magsimulang muli.
Kaya naman, hanap ngayon ni Merck ay ang bagong Makaganda ng kanyang buhay. Ani pa nga nito sa vlog, “Ang Bago Kong Makaganda”.
Ang paghahanap nito sa kanyang bagong pag-ibig ay isinagawa niya sa livestreaming app na ‘Bigo’. Ayon kay Merck, sa Bigo raw kasi ay makakahanap ito ng mga ‘magagandang babae’, ‘sexy’, ‘talented’, ‘may sense of humor’, ‘masasarap’, at ‘sobrang ganda talaga’.
Kaya naman, dito ay nagsimulang maghanap ang vlogger ng mga babae na siyang magiging bago niyang Makaganda. Hindi lamang isa kundi tatlong babaeng nagli-livestream ang hinanap ni Merck par kanyang pagpilian.
Una sa tatlong babae na ito ay isang nagngangalang Sheena. Maganda naman ang dalaga at ayon pa nga kay Merck, nagbigay pa ito ng effort. Gayunpaman, hindi raw ito ang para sa vlogger kaya naghanap ito ng isa pang babae na nagli-livestream sa Bigo.
Ang pangalawang babae na ito ay isa namang Apple Angeles. Gaya ng nauna ay maganda at sexy din ang nasabing babae. Bagama’t maayos naman ang naging pag-uusap ng dalawa sa app, mukhang mayroon pa daw kulang kaya hindi raw ito ang babaeng para kay Merck.
Sa ikatlong babaeng nakilala nito sa Bigo, sa wakas ay mukhang nakapili na si Merck at ito ay ang Bigo livestreamer na si Gie. Taglay din nito ang ganda at kasexyhan ngunit, mas tumalab ang karisma nito sa vlogger.
Habang magkausap, sinayawan pa nga ni Gie ang vlogger na siya namang ikinatuwa nito at ng kaibigang kasama niya. Nagbiro pa nga sina Merck at ang kaibigan nito sa suot na shorts ni Gie na animal-printed. Ani ni Grey, mahilig daw ito sa ‘animals’.
Kaya naman, ayon kay Grey ay ito na raw ang napili niya mula sa tatlong babaeng nakilala nito sa Bigo. Dagdag pa nga ng vlogger, gusto niya raw makita at makilala sa personal si Gie. Sumang-ayon naman dito ang huli na kinilig pa nga sa imbitasyon ng vlogger.
Inaabangan na ngayon ng mga tagasuporta ni Merck kung saan hahantong ang pakikipagkilala nito sa kanyang bagong Makaganda. Masaya umano ang mga ito para sa bagong simula ni Merck.
Gayunpaman, hindi pa rin maiwasan ang mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawang ito Merck dahil daw sa hindi magandang konotasyon ng ginagawa niyang paghahanap ng babae. Halo-halo ang opinyon ng mga ito para sa vlog na ito ni Merck.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment