Sunday, January 24, 2021

Lalaking Animo’y Galit na Naghahanap ng Siomai, Tumanggap ng Libreng Siomai Mula sa Mga Netizen

Trending kamakailan lang ang netizen na si Harold mula Tagum City dahil sa agaw-pansin nitong Facebook post sa isang FB group page habang naghahanap ng mabibiling siomai.

Tadtad lang naman kasi ng galit na mga emoji ang Facebook post niyang ito na animo’y nagpapakita na galit ito at gustong-gusto na nitong makanap ng siomai.

Ani pa nito sa kanyang Facebook post na may hindi mabilang na galit na emoji, sino umano ang mayroong ‘onhand’ na ibinebentang siomai na pwede niyang ma-pick-up sa naturang oras ng pagbabahagi niya ng post. Bagama’t animo’y galit, mayroon namang pagpapasalamat sa pahayag na ito ng netizen kahit pa nga malalaking letra ang gamit niya sa pagsulat ng Facebook post niyang ito.

Marami naman ang natawa sa ginawang ito ni Harold at bentang-benta sa mga netizen ang paraan ng pagbabahagi niya ng kanyang Facebook post. Biro ng mga ito, hindi umano halatang galit ito habang naghahanap ng makakaing siomai.


Bilang tugon naman sa Facebook post na ito ng netizen, nagkataon na mayroon pala itong kalapit bahay lamang na nagbebenta ng siomai. Dahil nga sa bentang paghahanap nito ng pagkain, minabuti na ng netizen na si Juliet na ibigay na lamang ng libre kay Harold ang bibilhin sana nitong siomai sa kanya.

Maliban sa libreng siomai, libre rin itong inihatid ng netizen sa bahay nito matapos matuklasan na magkalapit lang naman ang kanilang lokasyon.

Sa mga larawang ibinahagi ng netizen, makikitang naka-ngiti na si Harold na taliwas naman sa galit na galit nitong emosyon habang naghahanap ng siomai. Ani pa nga tungkol dito ng netizen,

“Sa mga nagool kay sir Harold Rey Palamos Mabiscay (angry emoji), bitok satisfied na siya mga maam and sir. Napugos jud kog hatod ug siomai kay murag suko na jud kaayo siya.”



[Sa mga nag-alala kay sir Harold Rey Palamos Mabiscay (angry emoji), bitok (worm) satisfied na siya mga ma’am and sir. Napilitan talaga akong ihatid ang siomai kasi parang galit na talaga siya.]

Maliban naman kay Juliet ay mayroon pang ibang mga netizen na nagbigay o nagpadala rin ng libreng siomai kay Harold. Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng netizen para sa mga libreng siomai na natanggap nito matapos ang kanyang ibinahaging Facebook post na naging viral.

Samantala, mayroon din namang magandang resulta para kay Juliet ang pagbibigay niyang ito ng libreng siomai kay Harold. Ito ay dahil matapos niyang ibahagi sa Facebook ang tungkol dito ay dumami rin ang kanyang mga customer na nagmemessage sa kanya na gusto ring bumili ng siomai.

Sa isa nga sa mga ibinahagi nitong Facebook post, nang araw na iyon ay umabot umano sa 40 packs ang natanggap niyang order ng mga siomai kaya malaki rin ang pasasalamat nito.

Kung noong una ay nakayanan pa nitong ideliver nang libre ang naturang mga order ng siomai sa kanya, dahil sa dami ng mga ito ay inihayag ng netizen na kung maaari ay kunin na lamang umano o i-pick up ng iba ang kanilang mga order ng siomai sa bahay nito.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment