Saturday, January 23, 2021

Dahil sa Pagtutulungan, Nahila Paitaas ang Truck na Ito na Nahulog sa Bangin


Nakakabilib at nakakamangha ang trending video na ito ngayon kung saan, makikita ang pagtutulungan ng mga residente sa isang lugar sa bansang India upang maiakyat sa taas at maligtas ang isang truck na nahulog sa isang malalim na bangin sa gilid ng kalsada.

Sa video, makikita ang daan-daang mga residente na tulong-tulong sa paghila pataas ng nahulog na sasakyan habang kumakanta. Dahil walang magamit na makinarya, gamit lamang ang lubid ay sama-samang hinila ng mahigit sa isang daang residente ang naturang truck.

Nangyari ang nakakamanghang pagtutulungan o bayanihang ito ng mga residente sa Kutsapo Village, Nagaland sa bansang India. Bandang alas 9 ng umaga, ika-9 ng Enero naman nang gawin ng mga residenteng ito ang tulong-tulong na paghila sa nahulog na truck. 

Ayon sa ulat, halos 70 ft. o mahigit sa 21 metro umano ang lalim ng binagsakan ng naturang truck. Ngunit, kahit sa hindi birong lalim nito, dahil sa pagtutulungan at determinasyon ay matagumpay na naiakyat ng mga residenteng ito ang nahulog na sasakyan.

Nagpapasalamat din ang mga residenteng ito dahil walang seryosong galos na tinamo ang nagmamaneho sa naturang truck at mga pasahero nito. Naaksidente umano ang naturang sasakyan habang karga-karga ang mga luya na galing sa mga magsasaka ng naturang village sa India na ibebenta sana sa isa pang bayan.


Ayon naman sa chairman ng Kutsapo village na si Zashevezo Rhakho, hindi umano ito ang unang pagkakataon na sinubukan nilang hilahin ang nahulog na truck sa bangin mula nang maaksidente ito noong ika-26 ng Disyembre.

“The truck fell few metres down the road at a turning point. We tied ropes to the truck and build steps with bamboo to prevent the truck from skidding down when we pull it. We cleared the areas where the tyres will roll-up. That is how we managed to easily pull it off,” saad pa nito.

Sa kanilang unang subok, hindi raw ganun katibay ang kanilang ginamit na lubid kaya hindi nagtagumpay ang mga residente. Siniguro rin umano ni Rhakho na malulusog na mga lalaki ang kanilang mga kinuhang residente para mahila ang truck.

“The first attempt earlier failed, as the ropes we used were not strong enough. That was when we decided to go for an iron rope and other tools to pull the truck out…

“With more than a hundred menfolk pumping their strength in pulling the truck from different direction, we could easily pull it out within an hour,

“Though it was tiring, it was better to get the job done than not, and we were happy to have pulled the truck out,” ani pa nga ng chairman ng Kutsapo.

Ang kuhang video ng pangyayari ay agad naman na naging viral at umani ng mga paghanga hindi lamang mula sa India kundi sa iba pang mga bansa kabilang na ang Pilipinas. Bilib ang mga ito sa pagtutulungan, determinasyon, at pagkakaisa ng mga residente para matagumpay na mahila ang truck.


Saad naman ng iilan, sana raw ay ganyang din ang pag-uugali ng maraming mga Pilipino, ang mapadalas ang pagkakaisa, imbes na mag-away o maghilahan pababa.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment