Thursday, January 21, 2021

Namatay na mga Alagang Koi Fish sa Malaysia, Niluto at Inulam ng Amo Nito!


Parehong ikinagulat at hindi ikinatuwa ng maraming mga netizen ang ginawa ng babaeng ito sa Malaysia sa kanyang mga alagang koi fish na aksidenteng namatay.

Base sa mga larawang ibinahagi ni Amanda Omeychua, nasa halos dalawang dosena ng mga alaga nitong Japanese koi fish ang aksidenteng namatay. Ayon kay Omeychua, aksidenteng namatay umano ang mga alaga nitong ornamental fish matapos mawalan ng oxygen.

Kaya naman, upang hindi raw masayang ang naturang mga isda, minabuti ni Omeychua na lutuin na lamang ang mga pumanaw nitong mga alagang koi fish! Isang desisyon nito na labis na ikinadismaya ng mga netizen nang ibahagi niya sa social media ang kanyang ginawa.

Ipinangsangkap lang naman kasi ni Omeychua ang mga namatay na alaga nitong koi fish sa niluto nitong soup. Sa kanyang mga larawang ibinahagi, makikita pa nga ang pagsukat nito sa mga isda at paghiwa rito bago gawing sangkap sa kanyang espesyal na ulam.

Paglalarawan pa nga nito sa kanyang inulutong ulam na ang pangunahing sangkap ay ang kanyang mga alagang koi fish, lasang catfish o hito umano ito.

Una itong ibinahagi ni Omeychua sa isang Facebook group kung saan, agad itong naging viral matapos makatanggap ng negatibong mga komento at reaksyon mula sa mga netizen. Dito, hindi makapaniwala ang marami na nagawang kainin ni Omeychua ang mga espesyal nitong alaga.


Mula nang ibahagi ito ni Omeychua, umani agad ito ng libu-libong mga reaksyon at komento kung saan, hindi maitatanggi na ang karamihan ay pagkabigla at iba pang mga negatibong reaksyon. Hidi umano lubos maisip ng mga ito kung paanong naisipan at nagawa ng babae na gawing ulam ang mga espesyal nitong alaga na koi fish.

Maliban dito, marami rin ang nagulat na pwede pala umanong lutuin ang koi fish na kadalasan ay isa lamang alaga at palamuti dahil sa napakaganda nitong tingnan. Bihira lamang kasi kahit saan na ang koi fish ay ginagawang ulam.

Gayunpaman, di hamak na nangibabaw pa rin ang mga dismayadong netizen sa ginawa ni Omeychua sa mga alaga nitong isda. Hindi biro ang presyo ng isang koi at mas lalong hindi rin biro ang mga gastusin sa pag-aalaga at sa pagpaparami rito kaya naman, sinumang amo na nawawalan ng isdang koi ay hindi naisip na gawin na lamang ulam ang kanilang alaga.

Kadalasan pa nga ay binibigyan ito ng desenteng libing ng kanilang mga amo dahil sa laki ng pagmamahal nila sa kanilang mga alagang koi fish. Reaksyon pa nga tungkol dito ng isang netizen,

“I wouldn’t be able to bring myself to eat my own pet. I would just bury them.”

Depensa naman ni Omeychua, dahil nga umano sa pagiging mahal ng koi kaya nanghinayang ito na itapon lamang ang mga alaga nang aksidenteng mamatay ang mahigit dalawang dosena sa mga ito. Kaya naman, upang hindi raw masayang ay nagdesisyon ito na gawin na lamang silang sangkap sa isang espesyal soup recipe.


Gayunpaman, dahil nga sa dami ng mga netizen na dismayado at negatibong nagreact sa ginawa niyang ito, minabuti ni Omeychua na humingi ng despensa o tawad sa mga netizen na ito.

Source: SCMP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment