Sinong mag-aakala na ang mga patapong lata ng softdrinks ay pwede pa palang magamit nang makabuluhan at hindi lang itapon sa basurahan. Kagaya na lamang ng nakakamanghang obra ng tatay na ito mula Sampheng sa bansang Thailand kung saan, ang mga patapong lata ng softdrinks ay ginawa lang naman nitong mga mgagandang bag.
Dahil sa ganda ng pagkakagawa ng naturang mga bag ay nakuha nito ang atensyon ng maraming mga netizen. Manghang-mangha ang mga ito sa pagiging malikhain ni tatay na nakatutulong pa para mabawasan ang kanilang mga problema sa basura.
Dahil dito kaya tambak-tambak ngayon ang order ng naturang mga bag kay tatay. Bukod kasi sa hindi maitatangging ganda at tibay ng bag, napakamura pa ng mga ito. Walang makinaryang ginamit si tatay sa paggawa ng mga ito at purong gawa ng kanyang mga kamay ang mga bag.
Mabibili lamang ang mga ito sa halagang 60-100 Thai Baht o katumbas na halagang Php 96 - Php 160 lamang. Napakamura lamang nito kahit kung tutuusin ay napakahirap nitong gawin at napakaganda pa ng kalidad. Maliban na lamang sa mga kakaunting gasgas dahil nga recycled ang mag ginamit na lata ni tatay, wala nang iba pang mapipintas dito.
Paglalarawan pa nga ng isang netizen na nakabili ng gawang bag na ito ni tatay,
“Really recycled bags. Recycled from aluminum cans. Brands of drinks may have some scratches because it's really garbage. Handmade. Thai people can help reduce garbage. Just don't throw them away… The bag is very cute. It’s very strong. It can be used for long strap. It can be adjusted to the length. If you don’t like the strap, you can change it yourself. It’s like the example There are two sizes. Me and my friend bought both style.”
Dahil sa dami ng mga order ngayon ni tatay, kailangan nito ng marami pang mga patapong lata para gawing bag. Kaya naman, ilan pang mga netizen ang tumulong para makakalap ito ng mga aluminum cans upang magawa nito ang mga order sa kanyang bag.
Dahil nga manu-mano ang paggawa ni tatay sa mga ito, humihingi ng paumanhin ang mga netizen na tumutulong sa kanya kung hindi agad magawa ni tatay ang lahat ng order. Kinailangan munang magpasensya ng mga ito habang hinhinitay na matapos ang kanilang inorder na bag.
“Body and heart are beautiful. This person. Thank you for being a part of helping uncle to earn more income. But uncle’s bag is really beautiful. I will wait no matter how long I want it,” ani pa nga ng isang cutomer na bilib kay tatay kaya handa itong maghintay ng matagal para sa kanyang order.
Dahil sa magandang naidudulot ng pagrerecycle na ito ni tatay ng mga patapong lata na gainagawa nitong bag ay hinihikayat ngayon ng marami na suportahan ang negosyong ito ni tatay.
Maliban sa nakatulong ang mga ito para sa kanyang pangkabuhayan, nakakatulong din ang mga ito sa problema ng basura. Dahil rin dito kaya marami ang nagsaad na nais din nilang magbigay ng tulong kay tatay lalo na para sa kanyang hanapbuhay.
Source: kickerdaily
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment