Wednesday, March 3, 2021

Netizen, Biktima Umano ng Bagong Modus na Ito ng mga Food Delivery Rider


Isang babala ang nais ipahatid ng netizen na si Ely Mae sa isa nitong viral Facebook post matapos nitong mabiktima ng modus umano na panloloko ng ilang mga food delivery rider.

Kwento ng netizen, maayos niya umanong binayaran at nakuha ang mga inorder nitong mga pagkain ngunit, nagulat na lamang siya nang makitang ‘cancelled’ umano ang kanyang order kaya ito na-ban sa ginamit na app.

Sa food delivery app na Foodpanda ay umorder si Ely nang nasa Php1,637 na halaga ng pagkain. Sa kanyang ibinahaging post, makikita na maayos naman ang kanilang usapan ng rider mula nang hindi pa nito naidedeliver ang kanyang order hanggang sa tuluyan na itong maihatid kay Ely.

Ngunit, matapos nito ay mayroong pabor na hiningi ang rider sa netizen na pinaunlakan naman nito. Ayon sa rider, nagloloko umano ang app nito kaya hindi raw sila mapasukan ng order. Upang hindi na ito magloko ay humingi ito ng pabor kay Ely na sa loob 10-15 minuto ay kailangang naka-airplane mode muna ang cellphone nito.

Dahil nga nais din nitong matulungan ang rider at maayos naman ang kanilang usapan, sinunod ito ni Ely. Ngunit, matapos nito ay nagulat na lamang ang netizen nang tumatak na ‘cancelled’ ang kanyang order kahit na binayaran at natanggap niya ang mga ito. Dahil dito kaya ‘banned’ na sa app si Ely.

Kaya naman, kinompronta ng netizen ang rider na agad namang itinanggi ang paratang ni Ely kung bakit na-cacel ang kanyang order. Nang ibahagi naman ni Ely ang kanyang post, lumalabas na hindi lang pala ito ang naging biktima ng ganitong modus ngayon ng mga rider. Ani pa rito ng netizen,


“This is the first time na nangyari samin ‘to. Naniwala ako dahil naawa ako and it turns-out na galawan pala yung nangyari. As you can see, all I wanted is to help him kahit sa maliit na paraan kaya naniwala at sumunod ako sa sinabi niya…


“Then after chineck ko ulit sa foodpanda cancelled yung order ko which is impossible dahil nakuha namin yung order and possible naman na maban yung account ko. Lahat tayo nag struggle sa buhay natin ngayon pero sana naman let’s do good no matter what happens!!!

Sa naturang modus, kumikita umano ang mga delivery rider kapag napatunayan nila sa operator na kinancel ng customer ang kanilang order. Kaya pinapa-airplane mode ng mga ito ang cellphone ng kanilang customer ay dahil kapag inireport nila na cancelled ang order, tatawagan ng operator ang numero ng customer.

Kapag hindi ito ma-contact, babayaran ng operator ang umano’y naka-cancel na order at maba-ban sa app ang customer. Ang resulta, mapapa sakanila ang lahat ng pera na binayad sa kanila ng customer. Kaya naman, kapag naka-airplane mode ang cellphone ng customer, hindi ito matatawagan ng operator at awtomatikong maniniwala ang operator na kinancel nga nito ang kanyang order. 

Bagama’t marami ang sumusuporta kay Ely na mga nakaranas din ng ganitong panloloko ng mga food delivery rider, mayroon ding ilan na sinabing sana raw ay hindi na lamang ibinahagi ng netizen ang tungkol dito dahil nasisira daw ang reputasyon ng mga matitinong rider.



Kaya naman, may pagdidiing sagot ni Ely sa mga ito,

“Sa mga nagsasabi na sana hindi nalang pinost, na gusto lang daw magpasikat, nasisira daw yung image ng ibang matitinong riders. UNA AT HULI PO HINDI KAMING NAGREREKLAMO ANG SUMISIRA SA INYO, KAPWA RIDERS NIYO PO. AYOKO LANG MAULIT YUNG NANGYARI SAMIN SA IBA PANG CUSTOMERS. THIS POST IS JUST A WARNING PO HINDI PARA SA CLOUT!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment