Friday, March 5, 2021

Isang Vlogger, Nagpapakalat na Nakabuntis raw Umano ni Joshua Aquino; Kris Aquino, Di rin Napigilang Mapa-react!


Sa isa sa kanyang mga vlog, binigyang pansin ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa umano’y ipinagkakalat ngayong fake news ng isang YouTube Channel kung saan, sinasabi nitong nakabuntis umano ang panganay ni Kris Aquino na si Joshua.

Mariing pinabulaanan dito ni Ogie ang tungkol sa nakakalokang balita na wala umanong anumang bahid ng katotohanan.

“’Yung YouTuber na Showbiz Chikka na parang ganito rin na nakikita kami, iyon boses lang. Ang sabi niya confirmed, kinonpirm pa na si Joshua Aquino, panganay ni Kris Aquino ay ikakasal na dahil ito ay nakabuntis ng girlfriend at si Kris daw ang gagastos. 

“Tinanong pa nila si Kris kung ilang apo ang gusto at ang sagot daw ni Kris, ‘kahit ilan, i-push n’yo ‘yan.’ Ganu’n daw ang sabi ni Kris. Kaloka, wala namang statement si Kris!  

“‘Wag kayong ganu’n. Alam n’yo (YouTuber) mga scientist kayo! Mga imbentor…Wag naman ganu’n na nakabuntis si Joshua at ang nakakaloka ‘yung babaeng nandoon (may bilog) ininsert pa. Unang-una pag nagko-confirm kayo dapat sinasabi ninyo kung anong pangalan talaga. E, wala kayong pangalan.

“Ang ininsertan nila si Bincai ay yaya ni Joshua.  Di ba nakakaloka, si Joshua makakabuntis?  Hindi naman natin tinatapos ‘yung future ni Joshua na maging ama kaya lang imposible naman, hindi naman makatotohanan,” ang pagbabahagi pa ni Ogie tungkol sa fake news.


Dito, binigyang babala niya ang nagpapakalat ng naturang balita na tumigil na. Ayon kay Ogie, ginagawa umano ito ng mga nasa likod nito upang makakalap ng views at kumita. Kaya naman, payo nito sa mga nanonood ng naturang mga klase ng balita sa YouTube, huwag daw basta-basta na maniwala ang mga ito sa mga balitang wala namang katotohanan. 

“Hellooo, ‘day kung mayroon mang taong magbabalita na nakabuntis si Joshua ay walang iba kundi si Kris Aquino. Hindi papahuli si Kris Aquino.  Kaya ‘yang mga nag-iimbento, tigilan n’yo ‘yang mga ganyan na gusto n’yo lang maka-attract ng views… 

“Sa netizens naman na nanonood sa YouTube, huwag kayo basta-basta naniniwala sa binabasang report lang pero wala namang pruwebang ipinapakita kasi ‘yang mga ‘yan ay nanga-attract lang ng viewers para lumaki (views) at kumita sila,” saad pa rito ng komedyante.

Samantala, maging si Kris ay hindi rin napigilan na mapa-react sa naturang fake news tungkol sa anak. Sa isang Instagram post, ibinunyag nito na nagalit umano siya nang unang mapanood ang tungkol dito.

Gayunpaman, pinasalamatan niya rin ang kaibigang si Ogie Diaz dahil sa maayos umano nitong pagbibigay paliwanag sa naturang balita. Ani pa ni Kris tungkol dito,

“like any parent, initially nung pinakita sa kin yung YT fake news about kuya, nagalit ako... then pinanuod ko ang kumpareng @ogie_diaz ko sa vlog nya, and may tumatak sa kin- Ogie said words to the effect na “hindi naman natin tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang panganay ni Kris” and dun ako nahimasmasan.


“Thank you pare, for all the years that kuya josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics, you made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else…”

Source: INQUIRER


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment