Hindi nakaligtas kay Kuya Kim Atienza ang isang malisyosong ad na ito ng Lazada kung saan, animo’y nag-iimbita ito ng pangre-rape sa kanilang ini-endorsong produkto. Sa larawang ibinahagi ng produkto, makikita ang isang babaeng tulog o walang malay na nakalabas ang dibdib.
Kaya naman, sa Twitter ay kinuha ni Kuya Kim ang atensyon ng e-commerce site at kinwestyon ang ginawa niong pagbebenta ng naturang produkto.
“Shame on you @LazadaPH. Do you even know what you are selling? Is this even legal? I'm calling you out. Shame,” ani pa rito ni Kuya Kim.
Ayon dito, hindi katanggap-tanggap ang naturang produkto na animo’y nang-eengganyo ng pangre-rape. Dagdag hinaing pa nga ni Kuya Kim para sa Lazada,
“That's a weed Keychain. A date rape sleep spray or whatever they wish to call it is unacceptable and has to be called out. If it's for insomnia I'd understand but the pic?”
Hinid kalaunan ay umabot nga sa Lazada ang pahayag na ito ni Kuya Kim kaya sinagot nila ang tungkol sa nangyari. Ayon sa Lazada, iniimbestigahan na umano nila ang tungkol sa naturang produkto sa kanilang site.
“Hi! Thank you for bringing this to our attention. This has already been coordinated with the relevant teams for checking and investigation. Rest assured that our team is already on top of the issue. Thank you and stay safe! -Starr,” ang opisyal na pahayag pa ng Lazada.
Ngunit, patuloy ni Kuya Kim ay hindi pa rin umano tinatanggal ng Lazada ang ad kahit sinabi nitong iniimbestigahan na nito ang pangyayari. Saad pa nga nito,
“Your ad is still out as your team investigates.”
Agad din na nakuha ni Kuya Kim ang atensyon ng medya at inilathala ang tungkol dito. Sa isa nga sa mga naisulat na ulat tungkol dito, nagpasalamat si Kuya Kim at muling idiniin na hindi katanggap-tanggap ang naturang ad ng Lazada.
“Thank you for getting the point @PhilstarNews. I am not a Saint and have seen quite a lot in my 54 years but to advertise a product for date rape, as the picture suggests is totally unacceptable,” saad pa ulit ng host.
Dahil din sa ginawang ito ni Kuya Kim ay naglabasan pa ang ilang mga malisyosong produkto at ad sa Lazada na napansin ng mga netizen. Kaya naman, muli ulit na humingi ng tawad sa mga ito ang e-commerce site.
Heto naman ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa matapang na pahayag dito ni Kuya Kim:
“My gosh! Why do they even allow that? I'm a big lazada customer but this? They dont even screen what they are selling!!! And cry innocence when somebody gets raped.”
“Dapat from the start palang may screening na kayo! Hindi ‘yung kung may pumalag tsaka lang kayo gagawa ng action... Buti si Kuya Kim na nagsalita. Pano kung ordinary person lang? Pansinin nyo kaya?”
“I mean I know they want profit getting as many sellers as they can, but at least have some decency and integrity. Sa laki ng kita niyo, maginvest naman kayo sa pagfilter ng mga ganyang sellers and mga scams sa platform niyo.”
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment