Sa kabila ng malaking pagbabahgo sa takbo ngayon ng buhay ng marami, hindi pa rin tayo nauubusan ng mga taong mas inuuna ang pagtulong kaysa sa sarili. Kagaya na lamang ng babaeng ito na nakunan ng video habang kumakanta sa lansangan at naging viral.
Kamakailan lang, nagbahagi ng Facebook post ang netizen na si Ruel Quinones tungkol sa isang babaeng kumakanta sa lansangan sa may Divisoria, Cagayan de Oro na kumuha sa kanyang atensyon.
Ayon sa netizen, kadalasan daw ay isang lalaking bulag ang kumakanta sa lugar na iyon para kumita kaya nakuha ang kanyang atensyon ng isang boses ng babae na kanyang narinig. Hindi niya rin daw maitatanggi na napakaganda ng boses nito kaya napahinto ito upang manood.
Dahil nga sa ganda ng pagkakanta ay nagbigay ang netizen ng donasyon dito sabay na rin ng paglalabas ng kanyang cellphone upang kunan ang magandang pagkakakanta ng babae.
Matapos nitong kumanta, minabuti umano ng netizen na tanungin ang babae kung kaano-ano nito ang lalaking bulag na kanyang tinutulungan. Hindi naman nito mapigilan na maantig sa naging sagot nito na hindi niya inaasahan.
Ayon kasi sa babae, hindi niya naman umano kaano-ano ang naturang lalaki ngunit, gusto niya lang daw na makatulong dito kaya habang ito ay tumutugtog, siya naman ay kumakanta.
“Wala ra, Sir. Gusto lang nako siya tabangan,” ang ani pa nga ng babae.
[Wala lang, Sir, Gusto ko lang siyang tulungan.]
Hindi lamang ang netizen ang nagandahan sa boses ng babae dahil maging ang mga katabing mga vendors ay humirit pa umano ng isa pang kanta rito na pinagbigyan naman ng babae. Para sa naturang kanta naman ay nagbigay ulit ng pera ang mga ito sa kahon na para sa lalaking bulag na kanyang tinutulungan.
Humirit pa raw ulit ang mga ito ng isa pang kanta ngunit, kinailangan nang umalis ng babae.
Samantala, nagawa pa raw na tanungin ng netizen ang babae para sa pangalan nito. Ayon dito, ang babae raw ay nagngangalang Regine. Ngunit, dahil nga sa pagging viral ng naturang Facebook post, mayroong ilan na nakakilala sa babae at nagbahagi ng karagdagang impormasyon tungkol dito.
Ito pala umano ay si Regine Carpio na isang regular na mang-aawit at aktibong miyembro ng Acdo Oasis of Love Community music ministry. Maliban dito ay isa rin itong aktibong miyembro ng Alto’s in Singers for Christ Choir ng Metropolitan Cathedral.
Ayon naman sa netizen, dahil sa ganda ng boses ni Regine at sa kabutihang loob nito ay ibinahagi niya ang kuha nito ng pagkanta ni Regine sa social media. Sana rin daw ay ipagpatuloy pa nito ang kanyang kabutihan. Dagdag ani pa nga tugkol dito ng netizen,
“Wala lang. I just feel like it’s worth sharing.”
Hindi naman maiwasan ng maraming mga netizen na humanga hindi lamang sa boses ni Regine kundi pati na rin sa kabutihan ng loob nito. Saad pa ng isa sa mga ito,
“You have a golden voice with a golden heart, sharing your talent to help others. God bless you, Regine.”
Samantala, umabot na ngayon sa mahigit isang libo ang naaaning reaksyon ng naturang vial post habang halos isang libo na rin ang mga muling nagbahagi nito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment