Sa Youtube channel ng kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ay ibinahagi nito ang kanyang Covid-19 story kahapon, Abril 1, 2021.
“I was very cautious. Pero siguro dahil na in sa pagod, without knowing it naging pabaya ako protecting myself. I’ve been tested positive for Covid19 and the only thing I can do is to pick-up myself and be very carenot not to infect other people, and then protect and heal myself. Let me share you the first 7 days of my fight against Covid19,” ani ni Angeline.
Noong March 26, 2021 inihayag ni Angeline na nasa lock-in taping dapat siya ng drama romance fantasy series ng Kapamilya channel na “Huwag kang mangamba” ngunit dahil sa kanyang pagiging exposed sa Covid-19 ng kanyang nag-positive na kasamahan ay minabuti na pauwiin na muna siyang Maynila. Umuwi ito ng Maynila gabi ng March 23 at saka sumailalim sa Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test (RT-PCR). Iniisip ni Angeline sa mga araw na ito na hindi sana siya mag-positive sa naturang test lalo na at ang dami pa niyang trabaho. Hindi niya maiwasang mag-isip agad kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling magpositibo man siya.
Sa video inamin ni Angeline na may nararamdaman siyang mga sintomas kung kaya ay mapapansin naman ang kanyang pag-uubo habang nagsasalita sa video. Natatakot ang singer-actress para sa kanyang mga katrabaho at kasamahan niya sa bahay na maaari niyang mahawaan dahil sa hindi pag-iingat.
MARCH 27, 2021 pinasilip ni Angeline kung saang banda nilalagay ang kanyang pagkain, tubig at iba pang pangangailangan na iniiwan ng kanyang katulong sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Pagbabahagi ni Angeline na tila ay nagkaka-LBM siya at parang nilalagnat na hindi naman normal para sa kanya. Nalungkot ito nang sa mismong araw ay ipinaalam ng Red Cross ang resulta ng kanyang test na nagpositibo nga sa Covid-19.
Sinabi na Angeline na nakalimutan yata niyang paalalahanan ang kanyang sarili dahil madalas naman niyang pinaalalahanan ang kanyang mga kaibigan at katrabaho na mag-ingat. Sinigurado naman ni Angeline ang kaligtasan na kanyang kasamahan sa bahay kung kaya ay sumailalim din sila sa parehong test.
Habang naka-isolate si Angeline ay may mga gamit naman ang iniwan sa kanya ng trabaho na pwede niyang gamitin at sinusubukan niyang aralin. Hindi naman nawala ang pagkakwela ni Angeline sa kabila ng kanyang sinapit dahil nagawa pa nitong magbiro na ibang klase ng betadine ang kanyang minumumog para sa kanyang lalamunan at hindi yung klase na para sa sugat. Madalas naman pinaalalahanan ni Angeline na kaya niyang lagpasan ang pagiging positibo sa Covid-19.
March 28, 2021 nang napansin ni Angeline na wala na siyang maamoy. Bukod sa pang-amoy ay hindi din niya malasahan ang kanyang pagkain. Ipinakita naman niya ang kanyang pagsuob. Ibinahagi ni Angeline na nakakagaan ng pakiramdam ang suob.
March 29, 2021 at wala pa ding nalalasahan si Angeline ngunit natuwa ito sa mga kaibigang nagpapalakas ng loob sa kanya.
“Hindi biro ang Covid guys kaya lagi kayong mag-ingat,” paalala ni Angeline.
Sa pang-apat na araw ng kayang pag-quarantine ay nagpasalamat naman ito nang malamang wala siyang nahawaan na kasamahan sa bahay. Kwelang ibinahagi naman niya ang kanyang napanaginipan nang magising ito alas 4:00 ng umaga at laman ng kanyang panaginip ay sina Maine Mendoza at KathNiel na kung ilarawan niya ay “magarang panaginip”. Bukod sa pag-aalaga niya sa kanyang sarili ay mataimtim naman na nananalangin si Angeline.
Sa kabila ng hindi maayos na pakiramdam ni Angeline ay sadyang hindi mabawi-bawi sa kanya ang pagmamahal niya sa pagkanta kung kaya ay idinaan niya ito sa kanta ni Mariah Carey na My all kahit na hindi masyadong kaya ng kanyang kondisyon.
April 1, 2021 nang masayang ibinalita ni Angeline na mayroon na siyang kaunting panlasa at pang-amoy.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nagpapagaling si Angeline at umaasang bumalik ulit sa normal ang kanyang pakiramdam bago matapos ang 14 na araw na quarantine niya.
Talagang hindi biro ang pandemyang kinakaharap ng mundo ngayon kung kaya ay labis na nagbibigay paalala ang mga taong dumaan sa pagiging positibo ng Covid-19 katulad ni Angeline na magdoble ingat ang publiko dito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment