Tuesday, April 20, 2021

Babaeng Kumuha ng Isang Tray na Itlog sa Community Pantry, Inulan ng Pambabatikos sa mga Netizen ‘Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay base sa kakayahan’


Nang maranasan ng mga tao ang pandemya, maraming mga tao ang labis na naapektuhan. Nagkaroon ng labis na pagkalugmok ng ekonomiya dulot ng pag-implementa ng lockdown at community quarantine.

Naging “new normal” na rin ang pagsuot ng face masks at face shields ito ay alituntunin sa pagsunod ng health and safety protocols. Marami ring mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga striktong patakaran sa panahon ng lockdown.

Kung kaya’t marami ang nakaranas ng gutom at labis na kahirapan sa panahon ng community quarantine. Hindi pinapayagang lalabas ang mga tao lalo na kapag ang pakay ay hindi essential.

Ngunit sa kabila ng ganitong sitwasyon, may mga mabubuting tao pa rin ang nagmamalasakit na tumulong sa mas higit na nangangailangan. 

Kalat na kalat ngayon sa social media ang isang tinatawag na “community pantry” Ito ay kung saan sa isang mesa o istante doon ilalagay ang mga “essential goods” na galing sa mga taong gustong tumulong. 

Ngunit ang ideya nito ay kukuha ang isang tao base sa kanyang pangangailangan at magbigay base sa kakayahan. Isang babae umano ang nagsimula ng ganitong movement na siyang unang naglagay ng mga packed goods sa mismong place na pinagtatayuan niya ng pantry.


Ilan sa mga makikitang “essentials” sa pantry ay ang mga bigas, gatas, gulay, vitamins, face masks, canned goods, sabon at iba pa. 

Nitong araw lang, kalat na kalat sa social media ang isang community pantry sa Pasig City. Makikita na maraming tao ang nagpunta doon para makakuha ng mga essentials na base lamang sa kanilang mga pangangailangan.


Agaw pansin ang mga babae sa video na kumuha ng higit pa sa kanilang pangangailangan. Makikita ang pagkawili nitong kunin ang lahat nang makita ang nasabing community pantry. 

Ngunit sa mga nakakuha ng atensyon ng mga netizen ay ang isang babae na nagngangalang Maricar Andriano ang nakuhanan ng video sa aktong pagkuha ng isang tray ng itlog. 

Nang maipost ang nasabing video, maraming mga netizen ang nagalit at nadismaya sa ginawa ng mga babae lalong lano na kay Maricar Andriano dahil kinuha kamo ang isang tray ng itlog. 

“Meron pang dalang mga bag. Grabe talaga akala nila ayuda galing kay duterte kaya nga naglagay nyan para makatulong sa mahirap na talagang wala. Sana mag-isip kayo baka sa susunod ang dala nyo na sana sako sana mabulunan kayo.”

“Ang kapal naman ng mukha mo ate. Ang laki ng katawan mo di ka makapagtrabaho. Hindi ka nahihiya sa ginawa mo. Hinakot mo lahat ang mga nakalagay sa pantry. Ang sabi kumuha lang ng kailangan. Ikaw hinakot mo lahat.”

“Kawawa naman yung mga taong homeless o walang wala makain talaga. Hindi sila nagtira. Pagiging makasarili pinapairal nila.”

Kaugnay ng post na ito, nagbigay na rin ng pahayag si Maricar Andriano tungkol sa kumakalat na video. Nilinaw niya ang mga paratang tungkol sa kanya. Sinabi niya na yung isang tray ng itlog ay hindi sa kanila napupunta lahat iyon.

“Isa po ako sa kumukuha dun sa pantry. Kuwento ko sa inyo ah. Una, nagtanong pa kami kung binebenta. Sabi ng guard samin hindi libre yan! Sabi samin paghatiin nyo na lahat yan total marami kayo,” sabi ni Maricar sa kanyang comment.

“Alam nyo po nag share din po kami sa kapitbahay namin. Hindi lang kami nakinabang nyan. Kaya sana huwag po tayo magsalita ng masasakit,” dagdag niya.

Ang community pantry ay isang magandang movement para mabigyan ng tulong ang mga taong higit na nangangailangan. Ngunit ayon sa kasalukuyang report, may mga kumakalat sa social media na ipapahinto ang ganitong movement. 


Sa mga kumakalat na posts, may mga red-tagging na nagaganap pero nag update din ang DILG na hindi kailangan ang permit para makapag operate ng pantry. Hanggang ngayon, patuloy pa nilinaw ang isyung ito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment