Thursday, April 1, 2021

Hinahalang ‘Space Debris’, Nakunang Umiilaw sa Kalangitan


Laman ng mga balita ngayon ang hinahalang space debris na nakitang sunod-sunod na umiilaw sa kalangitan na kung tingnan ay mukhang meteor showers naman. Ibinahagi ni JV Medina sa Facebook ang mga videos na nakuha nito ng hinihinalang space debris. Kitang-kita ang mala-slowmo na pagpasok nito sa ating atmospera.

Umani ng maraming spekulasyon ang inaakalang space debris na nakita noong gabi ng Huwebes, Marso 25 sa kalangitan ng Pacific Northwest. Lumalabas na ang mga nakitang tila ay umiilaw ay mga naiwang bagay sa kalawakan na muling pumasok sa atmospera.

Pahayag ng CBS Portland, Oregon, "Was that a meteor? Space junk? Aliens? Probably not. … Whatever it was, it lit up the night sky over Oregon just after 9 p.m. … drawing gasps of wonder and many posts to social media.”

Paliwanag naman ng Chief Meteorologist ng television station ng KIRO na si Morgan Palmer, "The relatively slow speed of breakup looks to me to probably be a satellite, rocket part, space junk, something like that breaking up on reentry. Something that was in Earth orbit. Meteors would generally be moving much faster as they burn up. But we'll see!". Tila ay sumasang-ayon ang meteorologist na space debris nga ang nakita at nagbigay aliw sa mga mata ng mga nakakita nito.

Marami ang tumawag sa atensyon ng nabanggit na television station at ng National Weather Service upang makumpirma at mabigyan ng paliwanag ang nakita sa kalangitan.

Sinagot naman ito ng NWS Seattle sa isang twitter post at nagbigay ng hindi pa opisyal na impormasyon. Ayon dito na patuloy pa nilang itong sinusuri.

“While we await further confirmation on the details, here’s the unofficial information we have so far. The widely reported bright objects in the sky were the debris from a Falcon 9 rocker 2nd stage that did not successfully have a deorbit burn”, sagot ng NWS Seattle.

Nagmula umano sa ini-launched na SpaceX rocket noong Marso 4 ang nasabing debris.


Ayon kay Jim Todd ng The Oregon Museum of Science and Industry ng Portland na hindi siya siguradong bumagsak nga sa lupa ang sinasabing space debris. Ang tanging sigurado siya ay marami ang namangha sa nakita.’Exciting’kung ilarawan ni Jim ang nakita ng mga taga Pacific Northwest.

Kinumpirma naman ng weather service officials na wala silang balitang natanggap sa western Washington na may kinalaman sa hinahalang space debris.

Ang tila mabagal na paggalaw nito sa kalangitan ang  dahilan kung paano ito nakunan ng mga residenteng nakakita kung kaya napaisip agad ang marami sa kanila na meteor showers ang kanilang nakita.

Sumang-ayon naman kay Jim Todd ang naging tweet ng isang astrophysicist ng Harvard-Smithonian Center sa Astrophysics na si Jonathan McDowell.

“The Falcon 9 second stage from the Mar 4 Starlink launched failed to make a deorbit burn and is now reentering after 22 days in orbit. Its reentry was observed from the Seattle are at about 0400 UTC Mar 26”, pagsang-ayon ni Jonathan.

Sumablay man ang inaakalang meteor showers ng iba ay hindi pa din maitatanggi na marami ang nabighani sa liwanag na nakita nito sa kalangitan.

Isa lamang si JV Medina sa mga nasurpresa sa nakita.


Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment